Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 28 November 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region GHQ Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
National Capital Region

PIA Press Release
Friday, January 27, 2012

Tagalog News: Pagbabaha sa Metro-Manila, gagawan ng permanenteng solusyon

By Phres A. Evardone

QUEZON CITY, January 27 (PIA)-- Pangungunahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang pagpapatupad ng programang Estero Blitz II sa pagpasok ng Pebrero. Ito ay inaasahang tatagal ng tatlong buwan.

Layunin ng programang Estero Blitz na tugunan ang paulit-ulit na suliranin ng pagbabaha sa Metro-Manila tuwing panahon ng tag-ulan sa pamamagitan ng paglilinis ng mga estero sa Metro upang magamit ng lubos ang kapasidad ng sewage systems sa Metro-Manila na lamanin ang dami ng tubig.

Ipinagmalaki ni Atty. Alu Dorotan, tagapagsalita ng MMDA, na naging matagumpay ang nauna nang Estero Blitz na inilunsad nila nuong nakaraang taon, kung saan ay nakapaglinis sila ng 45 water ways, dahilan para mabawasan ang insidente ng pagbabaha.

“Nuong dumating po si (tropical typhoons) Quiel at si Pedring, out of the eight (flood prone areas sa Metro), isa lang po ang binaha,” sabi ni Velasco.

Sinabi naman ni MMDA Assistant General Manager Cristina Velasco na layunin nila na bigyan ng pangmatagalang solusyon ang suliranin sa pagbabaha sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga drainage pipes. Dagdag pa niya, 30 porsyento na lamang sa mga ito ang bukas at gumagana dahil ang mga ito ay mula pa nuong 1930s.

Gayun pa man, ipinagmalaki ni Velasco na nakatanggap sila ng pondo mula sa World Bank upang bumuo ng isang Flood Control Master Plan. “Ang trabaho ng MMDA ay de-silting ng mga waterways, de-clogging, tsaka dredging operations ng ating mga drainage. Around 30 percent na lang po ang bukas duon dahil luma na ýan, 1930s pa ýan. Sa kabutihang palad, ang DPWH ay binigyan naman ng World Bank ng funding for a Flood Control Master Plan.”

Sa kasalukuyan, ayon kay Velasco ay nagsasagawa ang MMDA ng komprehensibong pagaaral upang planuhing mabuti kung paano masosolusyunan ng permanente ang pagbabaha sa Metro-Manila. “I think within the next few weeks ay ilalabas ýung results nito... The complete assessment of the study… will now influence the kind of investments that will be put in the Metro,” ayon pa kay Gng. Velasco. (PIA-GHQ)

 
Latest Stories
  • Science teaching enhanced in K to 12 curriculum (GHQ)
  • Statement from the Office of the Presidential Spokesperson (GHQ)
  • Single ticketing system scheme approved – MMDA (GHQ)
  • DepEd Media Advisory: Early Registration Day (GHQ)
  • Statement of Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte (GHQ)
  • ASEAN news: First Argentinean Ambassador Presents Credentials to ASEAN Secretary-General (GHQ)
  • Tagalog News: Pagbabaha sa Metro-Manila, gagawan ng permanenteng solusyon (GHQ)
  • Ochoa enjoins public servants to support 'Bayanihan ng Bayan' (GHQ)
  • Tagalog News: Kontribusyon ng mga OFW sa SSS inextend ang deadline (GHQ)
  • OFW contribution deadline extended –-SSS (GHQ)
  • Update SSS records for faster processing of benefits (GHQ)
  • Statement from the Office of the Presidential Spokesperson (GHQ)
  • PTV4 Streaming Broadcast Alternate Channel (GHQ)
  • PNP raises cop recruitment standard (GHQ)
  • PTV4 Streaming Broadcast (GHQ)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines