Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 8 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of fašade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

Tagalog News: Libreng medical, dental at surgical mission isasagawa sa bayan ng Rizal at Coron

ni Orlan C. Jabagat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 02 (PIA) -- Kapapasok pa lamang ng taong 2012 ngunit tuloy-tuloy na ang mga serbisyong hatid ng pamahalaang panlalawigan para sa mga mamamayan nito. Bukas ay isasagawa sa gymnasium ng bayan ng Rizal ang libreng serbisyong medikal at dental na magsisimula sa 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Bibigyan din ng libreng mga gamot ang mga benepisyaryo.

Kasabay ng medical mission, dadaluhan din ni Gob. Mitra ang programa para sa 1st tapping ng rubber sa demo-farm ng Office of the Provincial Agriculturist sa Rural Agricultural Center (RAC) ng nasabing bayan.

Ang gobernador din ang magiging pangunahing pandangal sa inagurasyon ng generator set sa Bgy. Sicud na proyekto rin ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng Energy Program, kung saan layon ng programa na mapailawan ang lahat ng kanayunan sa lalawigan.

Samantala, sa Enero 4 ay agad namang tutungo si Gob. Mitra sa bayan ng Coron para sa isasagawang libreng surgical mission sa Calamianes area.

Ang surgical mission ay gaganapin Enero 4-6 sa Coron District Hospital sa pamamagitan ng pamahalaang panlalawigan sa pakikipagtulungan ng LGU-Coron, Department of Health, World Surgical Foundation at Philippine College of Surgeons.

Partikular na ooperahan ng mga doktor sa nasabing misyon ang may mga luslos (hernia) at iba pang bukol sa katawan gaya ng cyst. Para sa mga interesadong sumailalim sa nabanggit na operasyon, pinapayuhang tumungo kaagad sa Coron District Hospital o sa RHU sa inyong munisipyo para sa screening bago pa man ang itinakdang araw ng operasyon. (LBR/OCJ-PIA4BPalawan)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines