Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 7 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of fašade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog news: Switch-on ceremony ng bagong generating set sa Palawan isinagawa

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 05 (PIA) -- Pinangunahan ni Gob. Abraham Kahlil B. Mitra ang switch-on ceremony ng 100 kva generating set na inilagay sa barangay Candawaga, bayan ng Rizal bilang tugon sa karagdagang pangangailangan ng suplay ng enerhiya para sa sitio Sicud.

Ang switch-on ceremony ay bahagi ng social, health, agricultural at energy services package na inihandog at dinala ng gobernador sa bayan ng Rizal sa araw ng kanyang kaarawan noong Martes.

Ipinarating naman ni Mayor Nicolas Monta˝o ang lubos na pasasalamat at kagalakan ng kanyang mga kababayan sa maganda at makabuluhang handog ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang bayan.

Aniya, natutuwa sila na sa pagpasok ng bagong taon ay ang kanyang bayan ang unang nakatanggap ng benepisyong ito.

Umaasa ang gobernador na iingatan at gagamitin ng maayos ng mga benepisyaryo ang nasabing generating set.

Sa kanyang mensahe, sinabi nito na bahagi ng responsableng paggamit ng genset ng mga benepisyaryo ay ang pagtalima sa kanilang buwanang obligasyon bilang mga gumagamit ng enerhiya mula sa genset at para sa tuloy-tuloy na pakinabang ng proyekto.

Matatandaan na kasama sa State of the Province Address ni Mitra noong nakaraang taon ang paglalagay ng karagdagang generating set sa Sicud, Rizal upang matugunan ang pangangailangan sa dagdag na kuryente. Una nang nakapaglagay ng 50 kva genset ang nakaraang administrasyon sa Sicud.

Tumaas ang pangangailangan sa enerhiya sa naturang lugar kung kayat naglagay ng karagdagang generating set ang pamahalaang panlalawigan.

Ayon naman kay Provincial Engineer Renato Abrina ang proyektong pang-enerhiya sa Candawaga ay pangangasiwaan ng Barangay Power Association na magmumula sa hanay ng mga consumers at ang mga mamamayan rin ang pipili ng mga taong magsisilbing opisyales ng asosasyon. (LBR/PIO/OCJ-PIA4BPalawan)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines