Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of fašade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog News: Pagtaas ng buwis idinepensa ng pamahalaang lungsod

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 10 (PIA) -- Pinawi ng pamahalaang lungsod ang pangamba ng publiko sa pagtaas ng buwis partikular na sa mga negosyo at real property.

Siniguro ni Mayor Doy C. Leachon ang patuloy na pagbibigay ng de-kalidad at mahusay na serbisyo nito sa mga Calape˝o.

Sinimulan nang ipatupad kamakailan ang General Revision of Assessment (GRA) of Real Properties na naging dahilan ng bahagyang pagtaas ng buwis na babayaran ng mga may-ari ng mga di-natitinag na ari-arian.

Ang naturang GRA ay dumaan sa legal na proseso at serye ng public hearings na dinaluhan ng mga negosyante at mga mamamayan ng lungsod, giit ng alkalde.

Sa katunayan aniya, sa nakalipas na 14 na taon, ngayon lamang ulit magpapatupad ng pagtaas ng Real Property Tax (RPT) ang pamahalaang lungsod, taliwas sa nakasaad sa Local Government Code of 1991 na dapat ay isagawa kada-tatlong taon ang revision ng real properties.

Ang pagtataas ay ginawang staggered o utay-utay sa loob ng tatlong taon nang sa gayon ay di-mabigla ang mga mamamayan sa kanilang mga bayarin, ayon sa kanya.

Ang RPT increase ngayong taon ay aabot sa 75 porsiento samantalang sa susunod na taon ay 100 porsiento na.

Upang maiwasan ang pangamba ng mga negosyante at mga mamamayan ng Calapan na maaapektuhan ng pagtaas ng tax rate, pinulong kamakailan ni Leachon sina City Assesor Benito K. Chavez, Assistant City Assessor Jelson Masongsong at City Treasurer Gondelina Lumanglas upang pagkasunduan na bawasan pa ang porsyento ng pagtaas sa nakasaad sa proposed ordinance.

Ang pagtaas ng RPT ay mas mababa pa rin kumpara sa prevailing market value o halaga ng bentahan ng mga real property sa lungsod ngayon, sabi pa rin ni Leoahon. (LBR/CGC-CIO/ Louie T. Cueto)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines