Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 8 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of façade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog News: 50 Biktima ng pang-aabuso tinulungan ng Palawan welfare office

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 17 (PIA) -- Umabot sa 50 kababaihan at mga batang nakaranas ng pang-aabuso ang natulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Base sa 2011 Accomplishment Report ng PSWDO, sa ilalim ng Women Protection and Development Division, mayroong 50 kababaihan at mga batang nakaranas ng pang-aabuso ang nabigyan ng pansamantalang kanlungan sa Lualhati Women Center.

Ang mga biktima ng pang-aabuso ay nagmula sa mga bayan ng Narra, Quezon, Rizal, Brooke’s Point, Bataraza, Roxas, San Vicente Taytay, El Nido, Cuyo, sa lungsod ng Puerto Princesa at mula sa iba pang lalawigan.

Bukod sa pansamantalang tirahan at pagkain, ang mga nasagip na biktima ay sumailalim din sa counseling at iba pang psychosocial intervention.

Sa ilalim ng Crisis Intervention and Disaster Relief Operations Unit ng PSWDO, umabot sa 218 indigents na pasyente sa Ospital ng Palawan ang nabigyan ng food assistance. Umabot din sa 93 indigents ang nabigyan ng tulong pinansiyal para sa kanilang pangangailangang medikal, transportasyon at libing.

Sa ilalim naman ng disaster relief operations, nakapagbasta ang PSWDO ng family food packs para sa mga biktima ng baha sa mga munisipyo ng Aborlan, Roxas, Narra at ang mga nagkasakit ng diarrhea sa mga munisipyo ng Rizal at Bataraza. Nagbigay din ng 700 food packs sa mga evacuees mula sa sitio Tagpae, barangay Tabon, bayan ng Quezon.

Pinangasiwaan din ang family development sessions para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng pamahalaang nasyonal. Umabot naman sa 839 na mag-asawa ang sumailalim sa responsible parenting class kung saan itinuro sa kanila ang kanilang pananagutan bilang mga magulang, mga karapatan ng mga bata at iba pang usapin na may kaugnayan sa pamilya. (LBR/PIO/OCJ-PIA4B-Palawan)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines