Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of façade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog news: Gantimpalang P 200,000 sa E-trike design contest inilunsad ng Department of Energy

LUNGSOD NG QUEZON, Enero 17 (PIA) -- Inaanyayahan ng Department of Energy (DOE) – Energy Utilization Management Bureau (EUMB) ang lahat ng mga Pilipinong may talento sa pagguhit at pagdidisenyo para sa kanilang patimpalak na Philippine E-Trike Design na may temang: “Bright Now! Do Right. Be Bright. Go E-trike!”

Ang patimpalak ay naglalayong ipakita ang moderno at pinakabagong disenyo ng mga tricyle sa bansa.

Ang mga Pilipinong may edad 18 pataas at naninirahan sa Pilipinas ay maaaring sumali. Magfill-up lamang ng Official Registration Form na maaring makuha sa DOE website sa www.doe.gov.ph, o kaya naman sa PIA website sa www.pia,gov.ph. Ang lahat ng mga disenyong isusumite ay dapat orihinal at hindi pa nagagamit sa kahit saang commercial o demonstrations.

Ang disenyo ng E-trike ay dapat three-wheeled electric vehicle at hindi lalagpas sa anim na pasahero maliban sa driver.Halimbawa ng mga three-wheeled na sasakyan ay makikita sa DOE website. Ang disenyo ay dapat na maipakita sa 2D at 3D na iginuhit sa pamamagitan ng AutoCad software kasama na ang deskripsyon ng disenyo. Ang mga entry na isusumite ay dapat nakalagay sa isang CD at may hardcopy na A3 ang size kasama ang registration form at duly notarized Oath of Ownership na nakalagay sa isang sealed envelope.

Ang mga criteria sa judging ay: aesthetics/creativity, originality/innovation, ergonomics, safety at functionality. Ang deadline para sa pagsusumite ng entries ay sa Pebrero 17, 2012 hanggang alas-kwatro ng hapon sa DOE-EUMB. Ang final judging naman ay sa Pebrero 24 at ang top three winning entries ay mananalo ng tig-P200,000. Sa kanila rin puwedeng mapili ang disenyong gagamitin sa E-trike Project..

Pito naman ang makakatanggap ng consolation prize na tig-P50,000. Ang mga mananalo ay kokontakin sa pamamagitan ng telepono, e-mail o registered mail. Pormal na iaanunsyo ang mga nanalo sa isang gaganaping Awarding Ceremony.(DOE/Camille N. Serrano/PIA IV-B)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines