Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of façade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

Tagalog News: P19.6M nabuong kontribusyon para sa Credit Surety Fund

ni Vicky S. Mendoza

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 19 (PIA) -- Umabot sa P19.6 milyon ang nabuong kontribusyon ng pamahalaang panlunsod, millionaire-cooperatives at trustee banks para sa Credit Surety Fund (CSF) ng lunsod sa pagbubukas nito noong Martes.

Pinangunahan ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Armando M. Tetangco, Jr. ang pagpapasinaya sa CSF kasabay na pirmahan ang kasunduan ng BSP, trustee banks at ng mga kooperatiba.

Ang CSF ay isang pamamaraan ng pagpapautang sa mga maliliit na negosyante o yung mga nasa micro-small-medium enterprises (MSMEs) na walang collateral sa pamamagitan ng seguridad o surety cover na nabuo mula sa kontribusyon ng mga kooperatiba, lokal na pamahalaan, non-government organizations, at trustee banks.

Nagbigay ng P10 milyong kontribusyon ang city government para sa CSF na triple sa P3.2 milyon na sama-samang kontribusyon ng 10 kooperatiba. Ang pinaka-maliit na maaaring kontribusyon ng kooperatiba sa CSF ay P100,000.

Ang 10 kooperatiba ay ang Medical Mission Cooperative Hospital, New Era Homeowners Multi-Purpose Cooperative (MPC), Palawan Department of Environment and Natural Resources MPC, Palawan State University MPC, Palawan Electric Cooperative MPC, PIADPO Employees MPC, PNAC_RIFT Employees MPC, Puerto Princesa City Employees MPC, Puerto Princesa Meat Vendors Cooperative at Rotonda MPC.

Ang iba pang kontribusyon ay mula sa Industrial Guarantee Loan Fund na P2.4 milyon, Development Bank of the Philippines na P1 milyon, at P3 milyon mula sa Land Bank of the Philippines. (DOS/VSM/PIA-Palawan)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines