Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of façade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

Tagalog news: Rice sufficiency ng Palawan tumaas sa 2011

ni Orlan C. Jabagat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 20 (PIA) --- Nakapagtala ang lalawigan ng Palawan ng 160 porsientong rice sufficiency level noong 2011, mas mataas kumpara sa 123 porsiento noong 2010, ayon sa accomplishment report ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).

Base sa datos ng 2011, umabot sa 335,210.24 metriko tonelada na palay ang naani sa panahon ng dry at wet season.

Sa bahagi ng rice seed production, patuloy na nasusuplayan ng grupo ng Rice Seed Growers Association ng Palawan ang kinakailangang certified seeds ng mga magsasaka sa lalawigan.

Sa ilalim naman ng corn production, umabot sa 3,116.72 ektarya ang nataniman ng hybrid, open pollinated variety at iba pang corn varieties kung saan umabot sa 7,791.8 metriko tonelada ang naani mula dito.

Samantala, sa ilalim naman ng dibisyon ng High Value Commercial Development Crops, patuloy na namamahagi ang OPA ng mga buto ng gulay sa mga magsasaka gayon din ang pagsasagawa ng mga pagsasanay para mapataas ang produksyon ng gulay.

Ang proyektong Vermi-Culture Composting ay ipinagpapatuloy ng OPA sa Provincial Agricultural Center upang makatipid ang Pamahalaang Panlalawigan sa gastusin ng mga agricultural inputs. Paraan din ito upang maisulong ang organikong pagsasaka sa lalawigan. Inilunsad din noong 2010 ang Gulayan sa Paaralan na nilalahukan ng tatlong daang paaralan sa buong lalawigan.

Nagpapatuloy naman ang mga pagsasanay para sa rubber production technology. Noong nakaraang taon ay umabot sa 26,000 budded rubber seedlings ang naipamahagi ng OPA sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 10,000 ektarya ang rubber plantation sa Palawan.

Para sa OPA, naging mabunga ang taong 2011 dahil nakapaghatid sila ng iba’t-ibang serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda upang matiyak ang food security sa lalawigan. (LBR/OCJ/PIA4B-Palawan)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines