Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of façade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog News: Singil ng kuryente tataas – ORMECO ni Louie T. Cueto

ni Louie Cueto

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 25 (PIA) -- Tataas ang singil ng kuryente sa lalawigan simula Pebrero, pahayag ng pamunuan ng Oriental Mindoro Electric Cooperative, Inc. (ORMECO) matapos na aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang petisyon ng National Power Corporation-Small Power Utilities Group (NPC-SPUG) para sa pagtataas ng singil sa kuryente.

Sa press conference na ipinatawag ng ORMECO sa lahat ng consumers-stakeholders nito, inihayag ng NPC na P1.42 ang itataas ng kanilang singil. Ito ay mula sa pinagsamang Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM) at Incremental Currency Exchange Rate (ICERA).

Dahil dito, mula sa dating P6.58 kada kilowatt hour na singil ng NPC sa ORMECO ay aabot na ito ngayon sa P8.017 kada kilowatt hour.

Sa pagtaas na ito ng taripa ng kuryente ng NPC, sinabi ni ORMECO General Manager Romeo Cuasay na tataas din ang kanilang singil ng mula P0.57 hanggang P0.70 sa kada kilowatt hour ng kuryenteng nakukunsumo ng kanilang consumers. Aniya, ito ay tinatawag na “pass-on charge” sapagkat bumibili ang ORMECO ng kuryente sa NPC.

Hindi ang kabuuang halaga ng itinaas na singil ng NPC sa ORMECO ang idinagdag na singil ng kooperatiba sa consumers nito dahil 40 porsiyento lamang ng isinusupply na kuryente ng ORMECO sa lalawigan ang nagmumula sa NPC at ang natitirang bahagdan ay galing sa Global Power, ORMIN Power at Dulangan Mini-Hydro.

Para sa isang matatag at maasahang suplay ng enerhiya hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa bansa, matatandaang kamakailan ay lumagda na sa memorandum of agreement sina Gobernador Alfonso Umali, First District Congressman Rodolfo G. Valencia, National Economic Development Authority (NEDA) Director General Cayetano Paderanga at Department of Energy Secretary Jose Rene D. Almendras at Brulli Energia para sa pagtatayo ng wind power project sa Puerto Galera.

Ang mga proyektong katulad nito ay isinusulong ng pinakamatataas na opisyal ng Oriental Mindoro upang maitaguyod ang isang tiyak at maaasahang supply ng kuryente na abot-kaya ang halaga. Mas makahihiyakat din ito ng maraming mamumuhunan para sa mas masiglang ekonomiya sa lalawigan. (CNS/LTC/PIA-4B)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines