Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of façade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Friday, January 27, 2012

Tagalog News: 2011, naging produktibo para sa SP ng Or. Mindoro

by Louie T. Cueto

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 27 (PIA) -- Naging produktibo ang nakaraang taong 2011 para sa Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Oriental Mindoro.

Para sa nagdaang taon, nakapagsagawa ang sanggunian ng 50 sesyon o isa kada-linggo na batay sa itinatadhana ng batas at ng 235 committee hearings kung saan tinalakay at sinuri ng bawat komite ang mga nakabinbing panukalang ordinansa at kapasiyahan.

May kabuuang 64 provincial at appropriation ordinances na inaprubahan ang SP. Isa sa pinakamahalaga rito ang General Appropriations Ordinance No. 226-2011 na sama-samang pinag-aralan at sinuri ng mga miyembro ng SP, mga hepe ng iba’t ibang tanggapan ng kapitolyo at iba pang opisyal ng pamahalaan. Ito ang ordinansang naglalaman ng taunang budget ng Oriental Mindoro para sa taong 2012 na umaabot sa P860,718,117.

Inaprubahan ang Provincial Ordinance No. 020-2011 kaugnay sa pagiging Provincial Pharmacy Economic Enterprise ng Botika ng Lalawigan ng Oriental Mindoro (BLOM) na inaasahang patuloy na magkakaloob ng murang gamot sa presyong abot-kaya lalo na sa mga mahihirap.

Inaprubahan din ang mga sumusunod na mahahalagang ordinansang naglalayong makatulong sa kabuhayan ng mga Mindoreñong nagmamay-ari ng mga lupaing di-natitinag sa lalawigan. Upang higit pang mapabuti ang mga ipinagkakaloob na serbisyo at paglilingkod ng pamahalaan sa mga mamamayan ng lalawigan sa pamamagitan ng mas pinahusay na koleksyon ng buwis, ang SP Ordinance No. 016-2011 ukol sa pagtatakda ng “New Schedule of Fair Market Values ng mga lupain at iba pang mga mga ari-arian sa lalawigan; SP Ordinance No.17-2011 o ang “Real Property Tax Amnesty”; at SP Ordinance No. 021-2011 ukol sa “Revised Revenue Code” ng Oriental Mindoro.

Maliban sa mga ordinansa, nakapag-apruba din ang SP ng 301 na committee reports at 365 mga kapasiyahan. Inaprubahan ng SP ang akreditasyon ng 31 people’s organizations, non-government organizations, at mga kooperatiba.

Bilang katuwang na ahensya ng Pamahalaang Panlalawigan, ang SP, sa pangunguna ni Bise Gobernador Humerlito A. Dolor at sa pakikipagtulungan ng lahat ng mga Bokal, ay mananatiling kabalikat ng pamunuan ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., sa pagbabalangkas ng mahahalaga at napapanahong hakbanging panlehistura upang patuloy na itaguyod ang pangkalahatang kagalingan ng mga mamamayan ng lalawigan ng Silangang Mindoro. (LBR/LTC/PIA-4B)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines