Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 May 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region MIM Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA Star
Special Issues
120130-mim-award

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (PIA) -- Photos show the pool area (left), guest rooms (right) and a full view of fašade (bottom) of the Daluyon Beach and Mountain Resort, which recently received the ASEAN Green Hotel Award. The award is given every two years by ASEAN Member States to hotels that meet excellent environment and energy conservation criteria. The awarding coincided with the ASEAN Tourism Forum held this year in Manado, Indonesia. (Photo by Daluyon / VSM/PIA-Palawan)
MIMAROPA Sub-Region

PIA Press Release
Friday, January 27, 2012

Tagalog News: BRP Gregorio del Pilar bubuksan sa publiko

ni Orlan C. Jabagat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 27, (PIA) -- Ang matagal ng hinihintay ng mga Palawenyo na makita nang malapitan at personal ang bagong Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Gregorio del Pilar (PF-15) ay magkakaroon na ng katuparan.

Nakatakdang buksan sa publiko sa Peb. 5 ang nasabing barko at ito ay idadaong sa daungan ng lungsod ng Puerto Princesa. Layon ng pagpapakita sa publiko ng nasabing barko ay upang ipaalam sa mga mamamayan ng lungsod at lalawigan ang kahandaan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas sa pagprotekta ng mga karagatang sakop ng bansa partikular na ng West Philippine Sea.

Simula nang dumating sa lalawigan ang barko ay agad nagsimula na itong magbantay sa Philippine Exclusive Economic Zone at sa West Philippines Sea kung saan ito ang kanyang pangunahing misyon na proteksiyunan ang bansa.

Gayundin magsisilbi itong karagdagang seguridad ng Malampaya Oil Fields at iba pang petroleum service contract area ng Department of Energy sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

Lahat ng direktiba ng nasabing barko sa pang-araw-araw na operasyon nito ay manggagaling lamang kay Commodore Rustom Joseph Pe˝a, Armed Forces of the Philippines Commander ng Naval Forces West.

Ang BRP Gregorio del Pilar ang pinakabago at pinakamabilis na barkong pandigma ng Hukbong Dagat ng Pilipinas. Ito ay isinalin sa Hukbong Dagat ng Pilipinas ng US Coast Guard noong Mayo 13, 2011 at ito ay pormal na nagsimulang magserbisyo sa bansa matapos mapasinayaan noong Dis. 14, 2011. (LBR/CRG/OCJ/PIA-4B)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Tagalog News: Exchange Study Program ng Korea at Puerto Princesa, inilunsad (MIM)
  • Tagalog News: Mga grupo ng senior citizen, makakakuha ng pondo mula sa pamahalaan (MIM)
  • Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad (MIM)
  • Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulong (MIM)
  • Exam for Norwegian marine scholarship set (MIM)
  • BFAR facilities to ensure sustainable development of fisheries sector in Palawan (MIM)
  • PPUR officially one of the 7 New Wonders of Nature (MIM)
  • Tagalog News: Mga di nabayarang buwis, binigyan ng amnestiya (MIM)
  • Tagalog News: DepEd Romblon, ipinatupad ang Nationwide Synchronize Enrollment (MIM)
  • Tagalog News: Pagpupulong ng mga benepisiyaryo ng 4Ps ng DSWD, idinaos (MIM)
  • Tagalog News: Programang pangkabuhayan, ipinagkaloob sa mga senior citizen (MIM)
  • Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi (MIM)
  • Tagalog News: Bagong pinuno ng Palawan media org, nahalal (MIM)
  • Palawan media org elects new president (MIM)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines