Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 22 November 2014 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
Ilocos Region

PIA Press Release
Sunday, October 09, 2011

Tagalog News: Kasaysayan, kultura at tradisyon ng Ilocos Sur, maitatanghal sa Metropolitan Museum

ni Ben P. Pacris

VIGAN CITY, Oktubre 9 (PIA) -- Ang makulay na kasaysayan at ang mga ipinagmamalaking kultura at tradisyon ng Ilocos Sur ay maitatanghal sa pamosong Metropolitan Museum sa Maynila na magsisimula sa Oktubre 18.

Layunin nito na gisingin ang damdamin ng mga Ilokano na naninirahan sa Maynila upang manumbalik ang kanilang pagmamahal sa probinsiyang kanilang kinalakhan.

Ayon kay Vice- Governor Deogracias Victor “DV” Savellano, coordinator sa naturang proyekto, bahagi rin ng adhikain ng provincial government na itaguyod at ipreserba ang mga kultura at tradisyon ng mga Ilokano, kabilang na ang “madugong” kasaysayan ng lalawigan na pinagmulan ng mga dakilang rebolusionaryo na sina Heneral Gabriela Silang at Fr. Jose Burgos, pati sina Leona Florentino, bantog na manunula noong panahon ng Kastila at Pedro Bucaneg, Ama ng Iluco Literature

Sinabi ng bise-gobernador na makikipagtulungan dito ang National Archives Commission at National Historical Commission sa ilulunsad na exhibit simula sa Oktobre 18 ng alas sais ng hapon hanggang Enero 30, 2012.

“Modelo ang Ilocos Sur tungkol sa pag-iimbak ng larawan at dokumentaryo hinggil sa makulay na history, culture at tradition ng mga kapwa nating Ilokano maliban pa sa mga aklat na inilimbag,” diin ng dating gobernador.

Inihayag ni Savellano sa media na ginaganyak niya ang lahat ng mga Ilokano na naninirahan o nagtatrabaho na sa Metro Manila o mga karatig- probinsya na tangkilikin nila ang proyektong ito para mapanatili “ang ating kinagisnang kultura at kaugalian na maipagmamalaki sa ibang lahi.”

Kamakailan lang, itinanghal sa Meralco Theater sa Metro Manila ang “Babae sa Digmaan,” tungkol sa kakaibang kasaysayan ng pag-ibig na naganap noong World War II sa Vigan na kinasasangkutan ng isang Biguena at opisyal ng Japanese Imperial Army. Dahil sa kanilang “unique love story” naisalba ang mga Castillan Homes sa dating Ciudad Fernandina sa pagkasunog o pagbomba ng mga eroplano ng mga Sakang, ayon kay Mayor Eva Medina

Ang mga gumanap sa naturang dula sa entablado ay binubuo ng mga veteran zarzuelista sa Vigan, kabilang na ang mga estudyante na kasapi sa mga cultural groups sa lalawigan, lalo na ang mga artists mula sa University of Northern Philippines.

Dinumog ng mga manonood, na karamihan ay mga Ilokano na naninirahan na sa Metro Manila, ang naturang pagtatanghal. Ang nalikom sa proyekto ay gagamitin sa pagpapatayo ng Vigan Heritage Museum. (JCR/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines