Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
Ilocos Region

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

Tagalog News: Iligal na pangingisda sa Sinait, dapat walang padri-padrino - Macugay

ni Ben P. Pacris

SINAIT, Ilocos Sur, Jan. 02 (PIA) – Matapang magsagawa ng iligal na pangingisda ang ilan sa mga residente ng barangay na malapit sa dagat sa bayang ito na tinaguriang Sentro ng Bawang sa Hilaga dahil sa kinaugaliang “padrino system,” ayon kay Sinait Vice Mayor Amador Macugay.

Ito ang idiniin ni Vice Mayor Macugay sa naganap sa na “Kapihan iti Amianan” Media Forum sa bayang ito noong Linggo na napanood sa Iluko Heritage Channel at napapakinggan sa DWRS Commando Radyo.

“Dapat walang padri-padrino sa mga mahuling iligal na nagingisda sa Sinait. Dapat silang makulong para magsilbing leksiyon sa kanila,” sinabi ni Macugay nang matanong kung bakit di mapipigil ang illegal na pangingisda dito.

Sinabi ng bise mayor na mga kababayan din nila ang mga gumagawa ng iligal na pangingisda dito, maliban lang sa mga dumadayo mula sa karatig bayan ng Ilocos Sur at Ilocos Norte. “Kaya dapat serioso ang kampanya ng gobyerno ukol ditto,” dugtong ng Bise-Mayor.

Ayon kay vice mayor Macugay, nakakalaya ang mga naaarestong suspek dahil may mga padrino naman silang mga politiko kaya walang ngipin ang batas na maipatupad dahil dito.

Nasisira na ang karagatan tulad ng ‘coral reefs’ at ‘fish sanctuaries’ sa karagatan na nagpapabigat pa sa problema sa pagbabago ng klima, sinabi ng dating municipal engineer.

Sinabi pa ni Macugay na may mga pamilya sa bayan nila na nagpuputol ng kahoy para sa pagpupugon sa virginia tobacco ay nakakasira sa kalikasan. Delikado ang epekto nito sa Climate Change. Baka ito ang maging sanhi ng storm surge at landslide na nararanasan ditto kung may bagyo,” idinagdag ni Bise Mayor Macugay.

Hiniling ng opisyal na dapat paigtingin ng gobyerno ang kampanya laban sa iligal na pangingisda at pagpuputol ng kahoy sa bundok at dapat panagutin ang mga sumisira sa kalikasan. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines