Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
Ilocos Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog News: School on the Air nagbibigay pagasa sa mga nais makapagtapos ng hayskul sa IN

by Carlo P. Canares

LAOAG CITY, Jan. 05 (PIA) -- Mayroon ng pag-asa ang isang mahirap na nais makapagtapos ng hayskul sa Ilocos Norte - ang School on the Air - na programa ang Department of Education sa pakikipag-ugnayan sa DWFB-Radyo ng Bayan, isang radio station ng gobyerno.

Sinabi ni Celestina Paz, manager ng Radyo ng Bayan, na nagkaroon ng kasunduan ang DepEd at ang kanilang istasyon upang makapagpalabas ng isang ‘radio-based instruction program’ para sa mga mahihirap na nais makapagtapos ng hayskul.

Tatlumpong minuto ang programa tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, 7-7:30 p.m. Sa gabi ito ipinapalabas upang bigyan ang mga mag-aaral ng panahon na tapusin muna ang kanilang mga trabaho sa buong araw at pagkatapos ay maaari na silang makinig ng radyo,” sabi ni Paz.

Magpapalabas ng 50 episodes sa kabuuan ng programa at sa bawat episode ay mayroong ituturo sa mga estudyante na paksa na bahagi ng kanilang curriculum.

Ang radio-based instruction program ay bahagi ng Alternative Learning System ng Department of Education.

Sa ALS, ang mga hindi makapagtapos ng hayskul dahil, halimbawa, sa kahirapan at kailangan magtrabaho ay binibigyan ng pamahalaan ng pagkakataon na makapagtapos at makakuha ng diploma. Sila ay bibigyan ng mga ‘modules’ na kailangan nila pag-aralan at matapos ay kailangan nila ipasa ang pagsusulit.

Itinuturo sa School on the Air ang mga modules. Pagkatapos ng 50 episodes ay bibigyan sila ng pagsusulit upang malaman kung pasado na sila at makakapagtapos ng hayskul,” ayon kay Paz.

Ang mga napipili na kasali sa ALS, partikular na sa School on the Air ay dumadaan sa mga alituntunin ng DepEd.

“Dahil sa School on the Air radio-based instruction program ay marami sa ating mga kababayan ang nabigyan ng pag-asa na makapagtapos ng pag-aaral,” sabi pa ni Paz. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines