Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 27 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
Ilocos Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: ‘Marian Apparition’ sa Laoag atraksyon sa mga turista

ni Cherry Joy Discaya

LAOAG CITY, Jan. 10 (PIA) –- Daan-daang mga lokal na turista partikular na ang mga Katoliko ang nagsisidagsaan ngayon dito sa siyudad dahil sa napapabalitang paglitaw umano ng imahe ng Birheng Maria mismo sa tumutubog na torre o ‘sinking tower’ ng Laoag.

Ang pangyayaring ito ay nagsimula nang mapansin ng isang empleyado ng Civil Security Unit (CSU) sa Laoag City ang nasabing imahe habang nagbabantay sa kanyang puwesto sa paligid ng siyudad.

Mula noon, nagsimula nang dumagsa ang mga tao mula sa iba’t-ibang panig ng probinsya para patunayan ang nasabing imahe na makikita sa mismong ding-ding ng torre.

Karamihan sa kanila ay napapanganga dahil sa kapansin-pansing imahe ng mukha ng Birheng Maria. Ilan sa mga nakakakita nito ay nagdarasal at nagtitirik ng kandila.

Ayon sa opisina ng turismo ng Laoag, kung pag-aaralan daw na mabuti ang mga nagdaang imahe ng nasabing torre ay dati nang makikita ang nasabing imahe subalit mas nagiging malinaw daw ang pagkaguhit ng imahe sa ngayon.

Sa isang panayam, sinabi naman ni Fr. Policarpio Albano, ang nakatalagang kura paroko ng siyudad na patunay daw ito sa patuloy na paalala sa mga Romano Katoliko na patatagin pa ang kanilang pananampalataya sa Diyos at paigtingin pa ang pagdarasal sa Kanya.

May mga ilang residente ang hindi naniniwala sa sinasabing paghihimala subalit dahil sa patuloy na paglinaw ng imahe sa paglipas ng panahon, marami pa rin sa kanila ang nagpupunta dito at nagdarasal ng taimtim sa harap ng imahe ng Birheng Maria sa nasabing torre.

“Isa man itong himala o hindi, maganda itong pahiwatig para sa aking mga kapwa katoliko sa kanilang pananampalataya at gisingin sila na dapat patuloy pa rin ang pagdarasal sa Diyos at pagdalo sa misa” sabi naman ni Jennifer Ramos, isa sa mga nakisali sa pagbisita. (ANL/CJD-PIA 1 Ilocos Norte)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines