Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
Ilocos Region

PIA Press Release
Thursday, January 12, 2012

Tagalog news: Magiging maganda ang turismo sa IN ngayong taon

by Carlo P. Canares

LAOAG CITY, Jan 12 (PIA) -- Inaasahan na mas dadagsa ang turista sa Ilocos Norte ngayong taon.

Ito ay ayon sa hepe ng Kagawaran ng Turismo sa lungsod ng Laoag.

Sa panayam sa programang ‘PIA Hour’ ng Philippine Information Agency sa Radyo ng Bayan, sinabi ni Milagros Gonzales na maganda ang tanawin sa industriya ng turismo ngayong taon.

“Inaasahan namin ang mas maraming darating na mga turista. Lalo na dahil tatlo na ang mga airlines na nagba-biyahe sa Laoag International Airport at magbibigay serbisyo sa kanila,” sabi ni Gonzales.

Ang Air Philippines Express, ang pinakabagong airline, bukod pa sa Philippine Airlines at Cebu Pacific ay nagbi-biyahe ng Manila-Laoag-Manila isang beses bawat araw.

Paliwanag ni Gonzales, nagdagdag ng airlines dahil “ito ang hiling ng mga balikbayan towns (bayan na kung saan maraming balikbayan ang dumadating dito) dahil marami ang mga balikbayan na dumating noong nakaraang Nobyembre at Disyembre dahil sa mga piyesta."

Ang mga balikbayan towns ay ang Bacarra, San Nicolas at lungsod ng Batac.

“Umaasa kami na sana ay mapanatili o patuloy ang pagdating ng mga turista lalo pa nagsimula na ang ‘tourist season,’” sabi ni Gonzales.

Ang tinaguriang ‘tourist season’ ay simula Nobyembre hanggang Mayo.

Paboritong puntahan ng mga turista, ani Gonzales, ang mga ‘natural attractions’ ng lalawigan kagaya ng karagatan ng Pagudpud at Currimao at ang Kapurpurawan rock formations. Marami din ang may gusto ng eco-adventure kagaya ng sa Sand Dunes kung saan puwede ang 4x4 na karera at sand-boarding. Ang iba naman ay gusto ng kultura na makikita sa mga simbahan, museo, arkitektura at iba pa.

Ang pagsulong ng turismo ang isa sa mga prayoridad ni Gobernador Imee Marcos.

Maraming ‘events’ o aktibidad ang isinagawa nitong mga nakaraang buwan kagaya ng pagsusulong ng kultura sa Paskua mi Ditoy, Ar-Aria Halloween Festival, 1st Ilocano Film Festival. Pinaganda lalo ang kapaligiran ng Museo Iloko na mayroon ng mga kainan, tindahan at ‘Samtoy bookstore.’ Balak din na gawin ‘water-sports adventure center’ ang probinsiya. Ang lahat ng ito ay makakapag-hikayat lalo ng mga turista na pumunta sa Ilocos Norte, paliwanag ni Gonzales.

Bukod sa mga ito ay inaasahan din na maibabalik ngayong taon ang ‘international flights’ mula sa Taiwan at China.

Ang mga turista mula sa Taiwan at China ang pinakamalaking hukbo ng mga turistang banyaga na dumarating sa Ilocos Norte. Kapag naibalik ang mga biyahe ng eroplano ay tiyak na lalakas lalo ang turismo, sabi ni Gonzales.

Ang Ilocos Norte pa din ang destinasyon ng mga turista sa buong rehiyon, ayon kay Gonzales. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines