Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
Ilocos Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog news: Sirib bus', E-Jeep malaking tulong sa pag-abot ng MDG sa IN

ni Carlo P. Canares

LAOAG CITY, Jan. 17 (PIA) -- Malaking tulong ang ‘Sirib’ (Knowledge) Bus at E-Jeep sa pag-abot ng Millennium Development Goal (MDG) sa Ilocos Norte.

Ang Sirib Bus at E-Jeep, o dyip na pinapa-andar ng kuryente ay proyekto ni Gobernador Imee Marcos na magbibigay serbisyo na hatid-sundo sa mga mag-aaral.

Sinabi ni Gobernador Marcos na hindi na poproblemahin ng mga magulang ang panggastos sa pamasahe ng kanilang mga anak na nag-aaral dahil nabibigyan ang mga ito ng diskwento sa pagsakay sa Sirib bus at E-Jeep. Ang mga mag-aaral sa pampublikong elementarya at hayskul lamang ang maaaring sumakay sa mga ito.

Nais ng gobernador na hindi magiging sagabal ang kakulangan sa perang pamasahe upang makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga bata. Ang “Edukasyon Para sa Lahat” ay isa sa mga MDG hindi lamang ng lokal na pamahalaan kung hindi pati na din ng Administrasyong Aquino.

Ang Sirib Bus at E-Jeep ay naghihintay sa isang lugar kung saan malapit sa mga komunidad o bahay ng mga bata. At tuwing hapon naman ay naghihintay ang mga ito sa harapan ng Kapitolyo upang ihatid ang mga bata pauwi sa kanilang mga tahanan.

Matatandaan na pinuri ni Laoag City Administrator Cipriano Martinez ang proyekto ng gobernador dahil sa malaking tulong nito ukol sa edukasyon.

Ang ruta ng Sirib Bus ay sa Metro Gabu patungo sa sentro ng Laoag City kung saan marami ang mga paaralan. Ang E-Jeep naman ay bumabaybay hanggang sa malayong barangay ng Calayab at Caaoacan sa Laoag City. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines