Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 6 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
Ilocos Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Tagalog news: Mas maayos na pamamahala, mas pinaigting na seguridad sa Laoag City

ni Cherry Joy Discaya

LAOAG CITY, Jan. 17 (PIA) –- Para sa mas maayos na pagpapatupad ng lokal na pamahalaan sa seguridad sa loob ng kanilang mga tanggapan, ang Laoag City ay nagpatupad ng pagbibigay ng ID passes sa lahat ng bibisita at papasok sa loob ng kanyang tanggapan.

Ito ay bahagi ng mas maayos na pamamahala ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga tanggapan at pakikiisa sa panukala ng nasyunal na gobyerno ukol sa pagsasaayos ng sistema sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon sa nagpanukala ni Ret. PNP C/Supt. Florentino O. Dumlao, kasalukuyang pangulo ng CSU sa Laoag, ito ay bahagi din daw ng pag-apula sa krimen at pag-iwas sa mga hinihinalang kriminal na maaaring magdulot ng kapahamakan sa mga opisyal at mga empleyado sa loob ng tanggapan.

“Kinokontrol nito ang pagkakaroon ng mga posibleng criminal o masasamang loob na pumapasok sa tanggapan ng city hall, bukod pa dito, namomonitor natin ang pagpasok at paglabas ng mga tao na bumibisita sa loob, nalalaman din natin mismo ang kanilang pakay” paliwanag ni Dumalo.

Bukod sa mga empleyado at mga opisyales sa loob ng Laoag city hall, napaghahandaan din dito ang seguridad ng mga turistang bibisita sa siyudad lalong-lalo na sa mga turistang may ‘business appointment’ sa mga lokal na tanggapan ng Laoag.

Sa pagpapaigting ng seguridad sa loob ng Laoag city hall, mas nabawasan ang mga taong kahina-hinala ayon sa mga security ng CSU. Mas madali din daw para sa kanila na makilala ang mga ito dahil sa mga iprinepresentang mga ID para sa kanilang pagkakakilanlan.

“Mas maayos ngayon ang transakyon dito, kung may nawawalang gamit o ano pa man, mas madali naming nalalaman kung sino ang aming suspek na pupuntahan, kumpara noon na sa CCTV camera, nakikilala lang namin ang papasok sa pamamagitan ng mukha, kahit alam namin ang mukha hindi naman naming masiguro ang pangalan nila” dagdag pa ni Jennifer Ramos ng CSU.

Ang bawat ‘entry point’ ngayon sa tanggapang lokal ng pamahalaan ng Laoag City ay may nakatalagang mga security ng Civil Security Unit (CSU) para sa masinsinang pagpapatupad sa nasabing seguridad.

Natuwa naman si Mayor Michael V. Farinas sa panukalang ito, bilang pagpapaigting sa seguridad sa kanyang mga tauhan at mas maayos na pagpapalakad ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga tanggapan. (ANL/CJD-PIA 1 Ilocos Norte)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines