Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R01 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
PIA-1 Foto Gallery
PIA-1 on Facebook
Ilocos Region

PIA Press Release
Saturday, January 21, 2012

Tagalog news: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN

ni Carlo P. Canares

LAOAG CITY, Jan 21 (PIA) -- Patuloy ang mga programa para sa mga matatanda sa Ilocos Norte, ayon sa opisyal ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development).

Sa panayam sa programang “PIA Hour” sa DWFB-Radyo ng Bayan, sinabi ni Provincial Social Welfare and Development officer Lilian Rin maraming programa para sa mga senior citizens ang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte at DSWD.

“Palagian ang mga miting para sa mga matatanda sa amin sa opisina ng DSWD sa probinsiya. Ang napag-uusapan ay ipinapaalam sa mga grupo sa mga munisipiyo,” pauna ni Rin.

Ang mga matatanda ay miyembro ng mga pederasyon sa kani-kanilang munisipiyo at sumasailalim sa pangkalahatang pederasyon ng lalawigan o provincial federation.

“Para sa mga matatanda na namatay ay mayroon silang programa na Mutual Benefit System. Sa programang ito ay tumatanggap ang pamilya ng namatay ng P13,000 na tulong,” sabi ni Rin.

Ayon pa kay Rin, aktibo ang mga matatanda sa mga panahon ng mga piyesta. Nandiyan ang mga pagsasagawa ng mga patimpalak na layunin ay pagkakawang-gawa o charity contest. Mayroon silang mga masasayang pagtitipon at mga aktibidad para sa kanilang mga barangay o nayon.

Subalit para kay Rin, isa sa pinakamagandang programa pa din ang ipinapatupad na pagbibigay na 20 porsyento na diskwento sa mga gastusin ng mga matatanda, lalong-lalo na sa pagpapagamot dahil kailangang-kailangan na nila ito.

Dahil sa pangangailangan sa kalusugan, nagtayo ang ilang munisipio ng ‘Botika Para Kay Lolo at Lola.’

“Sa halip na pumila ang ating mga matatanda sa mga botika ay makakabili na sila ng mga kailangan nila ng gamot sa mga botikong ito sa mismo nilang bayan. At bibigyan pa din sila ng diskwento,” sabi ni Rin.

Bukod sa mga programa na ito ay sinimulan na din ang Social Pension na programa ng Pamahalaang Aquino.

“Sa Social Pension ay tumatanggap ng P500 bawat buwan ang mga mahihirap na matatanda. Ang mga benipisyaryo nito ay pinili mula sa National Household Targeting System,” paliwanag ni Rin.

Ang mga benipisyaryo ay yaong walang pinagkakakitaan, walang tinatanggap na pensyon o kahit man lamang sustento mula sa kamag-anak. Sila din dapat ay hindi bababa sa edad na 77.

“Mayroon mga benipisyaryo mula sa lahat ng bayan sa Ilocos Norte. Maganda ang programa na ito ni Pangulong Aquino na nagbibigay ng tulong sa mga talagang mahihirap na matatanda at nabibigyan sila ng pagpapahalaga mula sa pamahalaan,” sabi pa ni Rin. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

 
Latest Stories
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 55 members of SEA-K in Santol receive capital assistance (R01)
  • DSWD-1’s partner agencies offer programs, services to 100 4Ps beneficiaries in Ilocos Sur (R01)
  • E-Trike Design contest aims to refurbish tricycle (R01)
  • Major PNP reform, accomplishments cited (R01)
  • Tagalog News: Patuloy ang mga programa para sa matatanda sa IN (R01)
  • OFWs treated fairly in Taiwan, says MECO chief (R01)
  • Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba (R01)
  • Intensity 4 tremor hits Northern Luzon (R01)
  • Sports news: DBL holds basketball play-off in Dagupan (R01)
  • RDC-1 conducts 2012 ICT congress (R01)
  • Practice good governance in infra projects - Sec. Singson (R01)
  • Tagalog News: Caoayan, nagkamit ng 'Seal of Good Housekeeping” award (R01)
  • Tagalog News: Sapat na klasrum, fasilidad at edukasyon para sa lahat, tugon ng Ilocos Norte sa MDG (R01)
  • Ilocos Norte inches closer to achieving MDG targets for education (R01)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines