Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 8 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R02 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Cagayan Valley Region

PIA Press Release
Sunday, January 08, 2012

Tagalog News: Bagong tuklas na pook pasyalan sa Penablanca, bubuksan sa publiko

by Oliver Baccay

PENABLANCA, Cagayan, Jan. 8, (PIA) -- Plano ng Kagawaran ng Turismo (DOT) sa Rehiyon 2, katuwang ang iba pang lokal na opisyal at ng congressman ng ikatlong distrito ng Cagayan, na pagandahin ang bagong tuklas na pook pasyalan sa bayang ito upang buksan na sa mga turista.

Ayon kay 3rd district Congressman Randolph Ting, nagsumite na ng panukala ang DOT sa kanyang tanggapan na nagsusulong sa pagpapaganda ng lugar na matatagpuan sa katimugang bahagi ng bayang ito sa Mt Hamot, kung saan hindi pa gaanong naaabot ng sasakyan at hindi pa masyadong bukas sa publiko.

Ibinida ni Ting na ang ‘bird watching site’ ay isang magandang lugar na maaring dayuhin ng mga turista dahil sa dami ng iba't ibang klase ng ibon na dumadapo roon, subalit kinakailangan pang pagandahin ang daanan at lagyan ng viewing deck.

“Ako ay handang tumulong sa kagawaran ng turismo para i-develop ito dahil naniniwala ako na ang turismo ay isa sa pinanggagalingan ng karagdagang kita ng probinsiya para sa paglago ng ekonomiya,” ani Ting.

Ayon pa kay Ting, plano din nilang magpatayo ng ilang bahay doon upang gawing ‘homestay’ na siyang maaaring tutuluyan ng mga mamasyal kung nais pa nilang libutin ang lugar.

Ang nasabing pook pasyalan ay natuklasan ng grupo ng Sierra Madre Outdoor Club (SMOC), isang organisasyon na tumutuklas sa mga likas yaman ng rehiyon at nagsusulong sa preserbasyon at proteksiyon ng mga ito.

Ang nasabing pasyalan ay bahagi pa rin ng protected area sa bayang ito at bahagi rin ng Sierra Madre Natural Park. Ang bayan ng Penablanca ay ang flagship tourist destination ng lalawigan dahil sa kanyang mga kweba at iba pang magagandang pook pasyalan. (TCB/OTB/PIA-2)

 
Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • 2 Tuguegarao City universities sponsor medical mission (R02)
  • NGCP to install additional power transmission line in Cagayan Valley (R02)
  • DSWD-2 chief receives “Best Manager” award (R02)
  • City residents benefit from free medical, dental mission (R02)
  • Labeling of agriculture-processed products, handicrafts pushed (R02)
  • Gov't to implement water dev't projects in 3 N. Vizcaya towns (R02)
  • Quirino tourism office unveils provincial tourism master plan (R02)
  • LGU-Solana offers cash incentives to college students (R02)
  • BFAR distributes fingerlings to dengue-prone barangays (R02)
  • BIR – Isabela intensifies tax mapping operations (R02)
  • DOLE recruits call center agents in region 2 (R02)
  • Ordinance requiring motorcycle drivers, backriders to wear helmets passed (R02)
  • BFAR awaits completion of municipal ordinances for planned FAO for ludong conservation (R02)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines