Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 8 December 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R02 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Cagayan Valley Region

PIA Press Release
Thursday, January 26, 2012

Tagalog News: Kumpanya ng kuryente, nagbigay ng silid-aralan

ni Ben Moses Ebreo

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, January 26 (PIA) -- Isang bagong paaralan ang pinasinayaan kamakailan sa barangay Bagong Sikat sa bayan ng Alicia, Isabela matapos itong ipatayo at ipagkaloob ng SN Aboitiz Power Magat, Inc.(SNAP-Magat) sa isang paaralang pang-elementarya.

Ang silid-aralan ay ipinagkaloob sa Bagong Sikat Elementary School(BSES) upang mabigyan ng lugar ang mga may 40 mga mag-aaral sa ika-lima at ika-anim na baitang ng BSES.

Ayon kay SNAP-Magat site manager at assistant vice president Wilhelmino R. Ferrer, layunin ng kanilang pagkakaloob ng silid - aralan na maibsan ang hirap at makapagbigay ng ginhawa sa mga batang mag-aaral na kadalasa'y nag-aaral sa community center araw-araw.

Dagdag nito na ang proyekto ay inaprubahan ng kumpanya sa ilalim ng Corporate Social Responsibility(CSR) na programa nito sa mga nasasakupang mga lokal na pamahalaan.

Ayon sa mga opisyal ng Department of Education(DepEd), ang nasabing silid-aralan na may wash area at confort room ay kanilang proprotektahan at aalagaan upang ito ay tatagal at magagamit pa ng mga susunod na henerasyon ng mga mag-aaral sa elementarya.

Ayon naman kay board member Manuel Alejandro, natutuwa at nagagalak ang pamahalaang probinsiya ng Isabela dahil sa mga proyektong ipinagkakaloob ng SNAP-Magat na pawang nakakatulong sa mga mamamayan sa Isabela.

Ang SNAP-Magat ay siyang nagmamay-ari at nagpapatakbo sa 360 Megawatt Hyrdo Electric Power Plant sa pagitan ng probinsiyang Ifugao at Isabela. (TCB/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)

 
Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • 2 Tuguegarao City universities sponsor medical mission (R02)
  • NGCP to install additional power transmission line in Cagayan Valley (R02)
  • DSWD-2 chief receives “Best Manager” award (R02)
  • City residents benefit from free medical, dental mission (R02)
  • Labeling of agriculture-processed products, handicrafts pushed (R02)
  • Gov't to implement water dev't projects in 3 N. Vizcaya towns (R02)
  • Quirino tourism office unveils provincial tourism master plan (R02)
  • LGU-Solana offers cash incentives to college students (R02)
  • BFAR distributes fingerlings to dengue-prone barangays (R02)
  • BIR – Isabela intensifies tax mapping operations (R02)
  • DOLE recruits call center agents in region 2 (R02)
  • Ordinance requiring motorcycle drivers, backriders to wear helmets passed (R02)
  • BFAR awaits completion of municipal ordinances for planned FAO for ludong conservation (R02)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines