PIA Press Release Thursday, November 04, 2010Tagalog news: Reserve officers ng PAF nagsagawa ng medical at dental mission sa Bulacan Provincial JailLUNGSOD NG MALOLOS -- Nagsagawa ng medical at dental mission ang mga reserve officers ng Philippine Air Force na naka-base sa Clark Air Base katulong ang Commission of Service Citizen’s Crime and Anti-Graft Movement (CCAGM) ng Malolos Cathedral sa mga nakapiit sa Bulacan Provincial Jail.Umabot sa 225 na bilanggo ang nabigyan ng libreng bunot ng ngipin, habang 232 naman ang tumanggap ng libreng medical assistance. Ayon kay Provincial Warden Ret. Col. Pepito Plamenco, malaking tulong ang ibinigay ng libreng gamutan ng mga taga PAF at CCGAM sa mga inmate na walang kakayahang magbayad ng malaking halaga para sa pangangalaga ng kanilang kalusugan. Anya kasama ang mga doctor ng dating niyang kasama sa PAF malaking tulong ang nagawa nito para sa kalusugan ng mahigit 2,000 bilanggo ng Bulacan Provincial Jail. Sa pahayag ni Lt. Col. Nelson De Leon, team leader na nagmula sa Clark Air Base, bukas palad ang PAF sa pagtulong sa mga nabibilanggo upang mabigyan muli silang makapamuhay ng maayos sa loob ng piitan Dagdag pa ni De Leon na bago matapos ang taong kasalukuyan, muli silang babalik sa Bulacan Provincial Jail upang muling magsagawa ng ganitong klaseng pagtulong dahil anya marami pang gamot ang natira at maraming pang inmate ang nagangailangan ng kalingang medikal. Bukod sa nasabing medical at dental mission, namahagi rin sila ng relief goods para sa mga Bulacan inmates. (PIA Bulacan) |