PIA Press Release Thursday, November 04, 2010Tourism and Travel Expo sa PampangaPinaghahandaan ng Department of Tourism (DOT) ang isang malaking exposition na magbibigay daan upang makilala ang hilagang bahagi ng Pilipinas bilang international tourism hub.Sinabi ni DOT Region 3 Director Ronaldo Tiotuico na ang idaraos na North Philippines Tourism and Travel Expo sa SM City Clark sa Pampanga ngayong buwan ang magpapalakas sa imahe ng norte bilang “mall of destinations” na madaling puntahan ng mga turista, lokal man o banyaga. Dagdag pa ni Tiotuico na malaki ang naitulong ng Diosdado Macapagal International Airport at Subic-Clark-Tarlac Expressway sa paglaki ng tourist arrivals sa rehiyon. Inihalimbawa ng director ang Gitnang Luzon na patuloy ang paglobo ng mga turista dahil sa Diosdado Macapagal International Airport at ang bagong SCTEX mula 315,000 noong 2006, naging 430,000 noong 2007, lampas 530,000 noong 2008 at 550,000 nung nakaraang taon. Itatampok sa November 12 to 14 na expo- na may temang “Go North! A Wellspring of Diversity” ang mga booths na nag-a-alok ng mga package tours at nagbebenta ng souvenirs at delicacies. May mga theatrical presentations din na nagpapakita ng mayamang kultura, kasaysayan, at tradisyon ng Gitnang Luzon, Cordillera, Cagayan Valley, at Ilocos region. Ang expo ay pangangasiwaan ng Philippine Exhibit and Theme Parks Corporation at ito ay suportado ng Central Luzon Tourism Council. |