PIA Press Release Tuesday, November 09, 2010Bawal magbenta muna ng shellfish sa BataanBROADCAST RELEASEPhilippine Information Agency-Region 3 09 November 2010 Bawal muna magbenta ng shellfish sa Bataan Pansamantalang pinagbawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at pamahalaang panlalawigan ng Bataan ang paghango at pagbenta ng tahong at iba pang uri ng shellfish na gsling sa dalampasigan ng lalawigan. Ito ay matapos magpositibo ang mga samples na nakuha sa mga munisipyo ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay, at Samal sa mataas na antas ng red tide toxin. Base sa isinagawang sampling at pagsusuri ng BFAR, lumitaw na masyadong mataas ang toxin ng Alexandrium minutum organism na kanilang natagpuan mula sa mga shellfish samples. Umabot ang toxin level nito sa 293-1,009 micro gram STXeq/100g shellfish meat na mas mataas sa regulatory limit na 60 micro gram lamang. Dahil dito, pinapayuhan ng ahensya ang publiko patikular ang mga residente na nakatira sa mga coastal towns ng Bataan na huwag munang kumain ng mga shellfish na nagmula sa karagatan ng lalawigan hangga’t hindi bumababa ang toxicity level nito. Samantala, iginiit ng BFAR na ligtas kainin ang mga isdang hango mula sa nasabing lugar basta ito ay sariwa, nahugasan nang maigi, at tinanggal ang bituka’t hasang bago lutuin. BROADCAST RELEASE Philippine Information Agency-Region 3 09 November 2010 Sec. Baldoz sa mga kabataan: bisitahin ang career guide section ng BLE website Pinapayuhan ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ang mga kabataan partikular ang mga magtatapos ng high school na bisitahin ang website ng Bureau of Local Employment (BLE) upang makakuha ng impomasyon patungkol sa career na nais nilang pasukan. Ayon sa kalihim, malaki ang maitutulong ng career guide section ng www.ble.dole.gov.ph pagkat ito ay may detalyadong impormasyon tulad ng uri ng trabaho, kailangang edukasyon, halaga ng edukasyon, kakayahan at karunungan, prospective salary/compensation, prospect for career advancement, at employment opportunities ng mga mahirap punuin at matatas na uri na trabaho gaya ng web developer, animator, chef, horticulturist, aircraft mechanic, flight attendant, surveyor, rigger, telemarketer, at automotive technician. Dagdag pa ni Baldoz na ang hinahanap ngayon ng mga kumpanya ay mga manggagawa na multi-skilled, confident, adaptable, flexible, learnable, at trainable. |