Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 14 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Tuesday, November 09, 2010

Plaridel nakamit ang pinakamataas na karangalan sa nutrition program

Nakamit ng Plaridel, Bulacan ang pinakamataas na karangalan sa larangan ng nutrition program implementation -- ang Nutrition Honor Award sa katatapos na National Nutrition Awards 2010 na ginanap sa Philippine International Convention Center.

Ang munisipalidad ang nagiisang nakakamit ng parangal ngayong taon.

Dahil dito, kahanay na ng bayan ang 42 lokal na pamahalaan na nakakuha na ng naturang pagkilala.

Ang Plaridel, na Most Outstanding Nutrition Program Implementer sa Gitnang Luzon sa nakalipas na anim na taon, ay matagumpay na naibaba ang bilang ng mga underweight preschoolers mula 3.2 porsyento noong 2004 na naging 0.4 porsyento na lamang noong 2009.

Walang silang naitalang kaso ng undernutrition sa lima ng 19 na barangay nito.

Ito ang barangay Bagong Silang, Bintog, Culianin, Lumang Bayan, at Tabang.

Kabilang sa mga ipinatupad na programang pangnutrisyon ng bayan na naging matagumpay ay ang “Ugnay Serbisyo sa Barangay” kung saan pinagsama ang pagbibigay ng lokal na pamahalaan ng mga basic social services gaya ng medical at dental checkups, family planning seminars, mobile birth registration, at anti-rabies vaccination sa lahat ng barangay.

Hinikayat naman ang mga mamamayan na magtanim ng gulay sa kani-kanilang mga bakuran sa proyektong “Oh My Gulay, Kalusugan Mo Nakasalalay sa Gulay Ko” habang binibigyan ng karampatang pangangalagang pangmedikal ang mga underweight preschoolers na may komplikasyon sa “Mga Bata’y Palusugin, Baga Nila’y Palakasin”.

Naglagay rin ng mga nutri-stores ang lokal na pamahalaan sa lahat ng barangay at nagtayo ito ng breastfeeding center malapit sa munisipyo upang bigyang pagkakataon ang mga ina na magpasuso ng kanilang sanggol sa labas ng kanilang mga tahanan.

Sinabi ni Plaridel Mayor Anastacia Vistan na ang parangal ay patunay na ang kanyang bayan ay nanalo sa laban kontra malnutrisyon.

Nangako ang alkalde na patuloy silang magsisikap upang lalo pang mapabuti ang estado ng kalusugan ng kanilang mga mamamayan.

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines