Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 14 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, November 15, 2010

Bulacan kabilang sa top 5 ng FutureGov Awards

Malolos, Bulacan (November 15) - Napabilang ang Bulacan sa Top 5 na nagwagi sa FutureGov Awards 2010 para sa Business Process Category na ginanap sa Kota Kinabalu, Malaysia kamakailan.

Sa 869 information technology innovation entries mula sa iba’t ibang bansa sa Asia Pacific, kinilala ang pamahalaang panlalawigan ng tumanggap ng international recognition para sa Financial Management Information System, isang sistema na ginagamit ng mga opisina tulad ng accounting, budget, at treasury upang maging organisado at mabilis ang mga pinansyal na transaksyon sa kapitolyo.

Ayon kay Rhea Liza Ramos, bagong pinuno ng Provincial Information Technology Office (PITO), nagpapatunay lamang ito ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan na makapagbigay ng pinakamahusay at pinakamataas na antas ng paglilingkod sa larangan ng information technology.

Matatandaan na ito na ang ikalawang pagkakataon na napabilang ang Bulacan sa top 5 ng FutureGov Awards. Nauna nang kinilala ang Bulacan Hospitals Information Systems na ginagamit ng Bulacan Medical Center para sa Data Centre Category noong 2009.

Ang FutureGov Awards ay isang internasyunal na patimpalak na kumikilala sa matatagumpay na inobasyon ng mga pampublikong sektor sa larangan ng information technology partikular na sa pamahalaan, akademiya at organisasyong pangkalusugan sa mga bansang sakop ng Asia Pacific at Gulf States. (PPAO/ PIA Bulacan)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines