PIA Press Release Thursday, November 18, 2010Deadline ng PIA logo design contest bukas naPIA RO3 (November 18) - Sa Nobyembre 20 ang deadline ng pagsumite ng entry ng logo design contest ng Philippine Information Agency.Ito ay bukas sa lahat ng Pilipino pwera sa mga empleyado ng ahensya at kanilang mga kamag-anak hanggang sa third degree. Dapat maipakita sa gagawing logo ang PIA bilang a) professional communicator ng Pangulo at ng buong executive branch; b) integrator, facilitator, enabler, at institution-builder sa larangan ng development communication; at c) adaptive manager sa mga change and transformational leaders. Malinaw dapat ang mensahe at mga simbolismo ng logo kahit sa mga thumbnail at black and white versions nito. Inaabisuhan ang mga lalahok na ipadala ang soft copy, thumbnail, black and white version, at maikling deskripsyon ng kanilang obra at pati ang kanilang buong pangalan, address, at contact details sa: The Human Resource Development Division Philippine Information Agency 3/f PIA Building, Visayas Avenue Diliman, Quezon City Maari din i-email ang entry sa pia_hrdd@yahoo.com . Tandaan: Ang soft copy ng iyong logo ay dapat nasa JPEG format na mayroong minimum resolution na 300 dpi at minimum width na 800 pixels. Sa kabilang banda, ang thumbnail version ay dapat nasa JPEG format din na may resolution na 96 dpi at width na 300 pixels. Ang iba pang mechanics ng patimpalak ay makikita sa official website ng ahensya na www.pia.gov.ph . Ten thousand pesos ang makakamit ng mananalo at ito ang magiging bagong logo ng PIA. |