Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 14 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, November 22, 2010

Bagong dialysis center sa Bulacan bukas na

Lunsod ng Bulacan (Nobyembre 22)- Pormal nang binuksan sa publiko ang bagong hemodialysis center sa Bulacan Medical Center bilang bahagi ng pagpapalawig sa serbisyong pangkalusugan ng pamahalaang panlalawigan.

Pinangunahan ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at mga panauhin mula sa Bulacan Medical Society ang pagbabasbas ng nasabing center na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Bulacan Medical Center (BMC) na nasa bakuran ng kapitolyo sa lungsod na ito.

Ayon sa mga opisyal ng BMC, nangunguna bilang number one life-saving option ang dialysis para sa mga pasyenteng may chronic kidney disease o end stage renal disease (ESRD) .

Kabilang sa mga pasilidad nito ay ang 10 dialysis machine na karaniwang pinipiling paraan ng paggagamot ng may sakit na renal insufficiency o renal failure.

May kamahalan ang bayad ng nagpapa-dialysis subalit bilang malaking tulong ng pamahalaan, maliit lang ang magigiging gastos ng pasyente dito na nagkakahalaga ng P1,400, ayon kay Gobernador Alvarado.

Dagdag pa ng Gobernador, ilan lamang ito sa maraming pagbabago at karagdagang mga kagamitan na ipagkakaloob sa Bulacan Medical Center, gayundin sa iba pang pampublikong ospital upang maipagkaloob sa mga Bulakenyo ang episyente, epektibo at abot-kayang serbisyong medikal. (PPAO thru PIA Bulacan)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines