Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 14 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, November 22, 2010

Road shows para sa mga PPP projects

Philippine Information Agency-Region 3

23 November 2010

PIA RO3 (November 22) - Magdaraos ang pamahalaan ng mga road shows sa Europa, Tsina, Gitnang Silangan, at Japan sa susunod na taon upang makahikayat ng mas marami pang mamumuhunan para sa mga infrastructure projects na isasailalim sa Public-Private Partnership (PPP) program ng administrasyong Aquino.

Ayon kay Finance Secretary Cesar Purisima, pinag-aaralan na ng Pangulo ang paglalabas ng mga executive orders patungkol sa mga financing options ng mga PPP projects.

Dagdag pa ni Purisma na nangako rin ang Kongreso na magpapasa ng mga batas na naglalayong pantayin ang playing field sa mga investors at masugpo ang mga kung tawagin ay “midnight deals”.

Inilunsad noong nakaraang linggo ang ilan sa mga proyekto na ilalagay sa ilalim ng PPP.

Kabilang na rito ang North Luzon Expressway-South Luzon Expressway link na magsisimula sa Caloocan City at magtatapos sa Makati City; Phase II ng Ninoy Aquino International Airport Expressway; at ang 27.4 kilometrong Cavite side ng Cavite-Laguna Expressway.

Matatandaang isinasaayos ni Pangulong Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No.8 ang noo’y Built-Operate and Transfer Center at binigyan ito ng bagong pangalan na Public-Private Partnership Center of the Philippines.

Inilipat rin ng EO ang pangangasiwa ng center sa National Economic and Development Authority mula sa Department of Trade and Industry upang mas mapabilis ang financing, construction, at operation ng mga proyekto na ilalagay sa ilalim ng naturang programa.

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines