PIA Press Release Tuesday, November 23, 2010Kauna-unahang media summit gaganapinPIA RO3 (November 23) - Humigit kumulang sa 300 na mamamahayag mula Region 1,2, 3, at Cordillera ang lalahok sa kauna-unahang North-Central Luzon Media Summit na idaraos mula November 26 hanggang 28 sa Lingayen, Pangasinan.Ayon kay Federation of Provincial Press Clubs of the Philippines (FPPCP) deputy secretary-general at convention chairman Bobot Caracas, “Link-Up to the Millennium Development Goals” ang magiging tema ng tatlong araw na pagtitipon. Kabilang aniya sa mga magiging speaker sina Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma, Senador Franklin Drilon, Pangasinan Gobernador Amado Espino, Ilocos Sur Gobernador Chavit Singson, Ilocos Norte Gobernador Imee Marcos, Dangerous Drugs Board chairman Antonio Villar, Publishers Association of the Philippines National president Juan Dayang, at Philippine Food Exporters and Processors Organization president Roberto Amores. Dagdag pa ni Caracas na bibigyang pugay rin sa summit ang namayapang founding president ng FPPCP na si Ermin Garcia Sr. Si Garcia, na nakilala sa kanyang mga mapangahas na expose ng iba’t ibang modus ng mga sindikato at maging ng mga katiwalian sa gobyerno, ay binaril sa loob ng kanyang opisina noong May 20, 1966. |