Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 14 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Tuesday, November 23, 2010

UST inaanyayahan ang publiko sa Lumina Pandit exhibit

PIA RO3 (Nobyembre 23) -Patuloy na inaanyayahan ng Unibersidad ng Santo Tomas ang publiko na bisitahin ang kanilang Lumina Pandit exhibit.

Masisilip sa exhibit, na kasalukuyang nakadisplay sa Miguel de Benavides library ng pamantasan, ang mga college grades nina Jose Rizal, Apolinario Mabini, Fr. Jose Burgos, Marcelo H. Del Pilar, Manuel Quezon, Sergio Osmeña, Jose Laurel, at Diosdado Macapagal.

Maliban sa grado ng mga tanyag na Tomasino, masisilayan rin ang ilan sa mga pinakamatatandang libro kabilang ang kauna-unahang naimprenta sa Pilipinas- ang Doctrina Christiana.

Makikita din dito ang kopya ng act of foundation ng institusyon at maging ang royal decree at mga papal bulls na nagdeklara sa UST bilang Royal, Pontifical, at Catholic University of the Philippines.

Ang Lumina Pandit ay isa sa mga aktibidad na inalaan bilang paghahanda para sa pagdiriwang ng ika 400 anibersaryo ng unibersidad sa susunod na taon.

Ang exhibit ay bukas Lunes hanggang Sabado mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas singko ng hapon at ito ay tatagal hanggang sa Enero.

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines