PIA Press Release Thursday, November 25, 2010Panunumpa ng barangay, SK officials gaganapin bukasLunsod ng Malolos (Nobyembre 25)- Mahigit 5,000 halal na opisyal ng barangay at pangulo ng Sangguniang Kabataan ang sabayang manunumpa sa kanilang tungkulin sa Nobyembre 26-27 sa Bulacan Capitol gymnasium sa lungsod na ito. Sa harap ni Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado, manunumpa ang mga halal na opisyal ng barangay mula sa una at ikatlong distrito sa samantalang manunumpa naman ang mula sa ikalawa, ikaapat, at lone district ng San Jose Del Monte sa Sabado, Nobyembre 27. Layunin din ni Gob. Alvarado na maitaguyod ang pagkakaisa ng lahat ng mga nagwaging opisyal sa loob ng kanilang tatlong taong panunungkulan na magsisimula sa Disyembre 1. Pasisiglahin din niya ang mga lingkod-bayan na ito na suportahan ang kanyang pagsasakatuparan sa pitong pangunahing programa kabilang na ang kalikasan, kalusugan, edukasyon, mabuting pamamahala, kabuhayan, kapayapaan at kaayusan, at kasaysayan. Sasaksihan ito nina Bise Gob. Daniel Fernando, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at DILG provincial director Myra Moral. (PPAO thru PIA Bulacan) |