Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 14 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, November 25, 2010

Debate tungkol sa badget maaaring mapanood sa website ng Senado

PIA RO3 (Nobyembre 25) - Plenary debates tungkol sa 2011 national budget ay maaaring mapanood ng live sa official website ng Senado.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay maaari nang mapanood ng live ang mga nagaganap na plenary debates sa Senado patungkol sa 2011 national budget sa official website nito na www.senate.gov.ph .

Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, napagdesisyunan ng mataas na kapulungan ng Kongreso na i-live stream sa internet ang mga deliberasyon upang malaman ng publiko ang kapupuntahan ng pondo ng bayan.

Sinabi naman ni Senate Finance Committee chairman Franklin Drilon na sa kanyang tantsa ay maipapasa nila sa third reading ang General Appropriations Act of 2011 sa December 1 o 2.

Matapos nito aniya ay magpupulong ang bicameral conference committee sa December 6 upang i-reconcile o pagkasunduin ang mga pagkakaiba sa bersyon ng Senado at Kamara.

Kapag nareconcile na ang mga pagkakaiba ay ibibigay na ito sa Pangulo upang kanyang pirmahan at maging ganap na batas.

Ang sampung ahensya na makakakuha ng malaking porsyento ng P1.645 trillion national budget sa susunod na taon ay ang Department of Education (P207.3 bilyon), Department of Public Works and Highways (P110.6 bilyon), Department of National Defense (P104.7 bilyon), Department of Interior and Local Government (P88.2 bilyon), Department of Agriculture (P37.7 bilyon), Department of Social Welfare and Development (P34.4 bilyon), Department of Health (P33.3 bilyon), Department of Transportation and Communication (P32.2 bilyon), Department of Agrarian Reform (P16.7 bilyon), at ang hudikatura (P14.3 bilyon).

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines