Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 7 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

Tagalog News: 10 toll roads sa Norte makukumpleto sa loob ng 10 taon

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 2 (PIA) -- Tinatayang aabutin ng humigit kumulang 10 taon upang makumpleto ang 88.58 kilometrong (km) Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) at 63.9 km Central Luzon Link Expressway (CLLEX), at maintegrate ang mga ito sa mga nakatayo nang mga toll roads sa Norte.

Sa isang pahayag, inilahad ng Regional Development Council (RDC) ng Gitnang Luzon na ang inisyal na operasyon ng P11.594 bilyong TPLEX ay nakatakda sa Marso 2012 para sa Tarlac-Carmen section, Abril 2012 para sa Carmen-Urdaneta section at Oktubre 2014 para sa Urdaneta-Rosario section.

Ang TPLEX project ay nahahati sa dalawing bahagi: ang Phase 1 ay ang konstruksyon ng two-lanes habang ang Phase 2 naman ang expansion sa four-lanes kapag umabot na sa 25 libo ang bilang ng mga sasakyang dumadaan kada araw.

Samantala, ang Phase 1 ng P34 bilyong CLLEX ay makukumpleto sa 2016 habangang Phase2A ay magbubukas sa 2017 at Phase2B sa 2021.

Ang 28-km phase 1 ay nagsisimula sa lungsod ng Tarlac at natatapos sa lungsod ng Cabanatuan habang ang 35.9 km phase 2 naman ay nagsisimula sa lungsod ng Cabanatuan at natatapos sa lungsod ng San Jose.

Ayon sa RDC 3, malaki ang maiaambag ng TPLEX at CLLEX upang mapabilis ang pagbiyahe ng mga panindang nagmumula sa Cordillera, Cagayan Valley, Nueva Ecija, at Aurora na kilala bilang mga food baskets ng bansa.

Bukod dito, makakatulong din aniya ang mga ito upang mas dumami pa ang mga bumisitang turista sa mga tanyag na tanawin sa Hilagang Pilipinas tulad ng mga beach resorts sa Ilocos region at Zambales. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines