Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 7 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 02, 2012

Tagalog News: DSWD naglaan ng P313.43M para sa mga pro-poor programs

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 3 (PIA) -- Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kabuuang P313.43 milyon para sa implementasyon ng iba’t ibang pro-poor programs nito sa Gitnang Luzon noong 2011.

Inilahad ni DSWD regional information officer Evelyn Manalo na P106.75 milyon ng nasabing halaga ay inilaan sa 28,555 kabahayang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya; P9.23 milyon para sa 1,715 benepisyaryo ng Self Employment Assistance-Kaunlaran (SEA-K); P859,000 para sa 117 benepisyaryo ng SEA-K Family Enterprise; P24.09 milyon para sa 7,841 benepisyaryo ng Social Pension; P131.72 milyon para sa 135,796 benepisyaryo ng Supplemental Feeding; at P40.78 milyon para sa 14,505 benepisyaryo ng Cash-for-work (CFW).

Ayon kay Manalo, nagbibigay ang Pantawid Pamilya ng P1,400 kada buwan tuwing school months (Hunyo hanggang Marso) at P500 kada buwan tuwing non-school months (Abril hanggang Mayo) sa mga benepisyaryo nito basta sumunod sila sa alituntunin ng programa kabilang na ang pagiging present ng mga bata sa 85 porsyentong kabuuang bilang ng school days kada buwan at regular nilang pagbisita sa health center upang mabigyan ng karampatang bakuna at bitamina.

Ang SEA-K naman ay isang programa na naglalayong mapabuti ang kasanayan ng mga mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga community-based associations for entrepreneurial development.

Kabilang sa mga proyekto ng mga samahan ng SEA-K ang food processing (tocino, longganisa), bag making at loom weaving.

Dagdag pa ni Manalo na ang Social Pension ay nagkakaloob ng P500 monthly stipend sa mga mahihirap na senior citizens edad 77 taong gulang pataas na hindi tumatanggap ng kahit anong pensiyon, walang permanenteng pagkakakitaan at walang regular na suporta mula sa mga kamag-anak habang ang Supplement Feeding ay nagbibigay ng mga masusustansyang pagkain sa mga bata sa day care centers.

Samantala, ang mga benepisyaryo ng CFW ay nagtatrabaho sa mga identified community projects sa loob ng labing isang araw kung saan sila ay kikita ng P3,146 o P286 kada araw.

Kabilang sa mga proyektong kanilang pinagtatrabahuhan ang river dredging at embankment, pagkumpuni ng mga maliliit na irigasyon, at pagtatanim ng puno at iba pang reforestation activities. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines