Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 12 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Benepisyaryo ng 4Ps, hinikayat ng DSWD na gamitin ang cash benefits sa tamang pangangailangan

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 2 (PIA) -- Wala pang namomonitor ang Department of Social Welfare and Development sa Region III hinggil sa hindi wastong paggamit ng mga biyaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ang dahilan kanya masaya si DSWD 3 director Adelina Apostol sa mga benepisyaryo ng 4PS sa rehiyon, kabilang na ang mga Novo Ecijano, na gumagamit sa mga biyaya ng programa sa tamang pangangailangan.

"Perang natanggap nila (mga benepisyaryo) ay dapat gamitin sa kanilang anak, para sa pangangailangang pangkalusugan, sa pag-aaral ng kanilang anak," sabi ni Apostol.

Ang reaksyon ni Apostol ay kasunod sa balitang lumabas kamakailan hinggil sa ulat ng Commission on Audit noong 2010 na nagsasabing ginagamit di-umano ng ilang mga benepisyaryo sa Metro Manila ang kanilang biyaya ay ginugol sa sugal at droga.

Nagbabala si Apostol na pwedeng matanggal sa programa ang sinumang benepisyaryo na mapatunayang nilulustay sa sugal at iba pang iligal na aktibidad ang kanilang natatamong cash benefits.

Una rito, tiniyak ni Social Welfare Secretary Secretary Dinky Soliman sa publiko na mayroon ng mga mekanismo o patakarang ipinatutupad upang higit na maayos ang pagpadaloy ng 4PS.

Kabilang na rito ang pagpapalakas ng compliance verification system para matiyak na tumutupad ang mga benepisyaryo sa mga kundisyon ng programa tulad ng pagpasok sa paaralan ng mga bata, pagpapatingin ng mag-iina sa duktor o mediko at ang kanilang pagdalo sa family development sessions.

Kasama din sa mga hakbang na ginawa ng DSWD ang pagkikipag-alyansa sa may 279 civil society organizations para makatulong sa pagbabantay sa implementasyon ng programa. (WLB/LDRP PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines