Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog News: National Gawad Kalasag nasungkit ng Bulacan

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 3 (PIA) -- Bunsod ng pakikipag-isa sa mga high school sa lalawigan, napagwagian ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang unang karangalang banggit sa National Gawad Kalasag 2011 kamakailan sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Kinilala ng National Disaster Coordinating Council ang proyekto ng PDRRMC na School Hydrological Information Network (SHINE) bilang isa sa mga pinakamahuhusay na programang pangkaligtasan sa mga paaralan.

Ayon sa PDRRMC, ang SHINE ay isang simpleng programa sa mga paaralan na nakatutok sa mga isyu hinggil sa pagbabago ng klima, partikular na sa mga kalamidad na dala ng bagyo.

“Ang aktibidad na ito ay isang paraan upang suportahan ang Department of Education sa programa nito tungkol sa pagtuturo ng climate change. Alinsunod ito sa pangunahing kaalaman na ang kahandaan sa kalamidad ay nagsisimula sa mga paaralan,” anang PDRRMC.

Simula 2004, 11 rainfall observation station ang naitatag ng proyektong SHINE sa mga paaralan sa lalawigan kabilang na sa Akle High School, Dona Remedios Trinidad High School, John J. Russell High School, Angat National High School, F. Halili High School, Vedasto R. Santiago High School, Norzagaray National High School, San Jose del Monte High School, Binagbag High School, Tibagan High School, at San Rafael National Trade School.

Nakapaloob din sa proyekto ang mga kampanya sa pagbabawal ng styrofoam at plastik sa kantina, pagbabawal sa mga sasakyang nagbubuga ng sobrang usok na makapasok sa paaralan, paligsahan sa pagreresiklo, pagtuturo ng paghihiwa-hiwalay ng basura, pagtatanim ng puno, at programa sa katipiran ng kuryente.

Sinabi ni Gobernador Wilhelmino Alvarado na “pinalalakas” ng proyektong SHINE ang kahandaan ng mga paaralan at komunidad sa Bulacan hinggil sa pagresponde sa mga kalamidad. Matatandaan na ang lalawigan ay taun-taong binibisita ng mga malakihang pagbaha.

Ang Gawad Kalasag, na nangangahulugang KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan, ay isang taunang timpalak na naghahanap ng mga indibidwal, pribadong samahan at ahensya ng pamahalaan na nagpamalas ng kahusayan sa operasyon pangkalamidad at pagkakaloob ng tulong sa mga nasalanta. (WLB/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines