Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 13 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog News: Bilang ng biktima ng paputok, bumaba sa Bulacan

ni Vinson F. Concepcion

LUGNSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 3 (PIA) –- Bumaba ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa lalawigan bilang pagsalubong sa Bagong Taon mula 145 ng nakaraang taon hanggang sa 127 ngayon.

Ilan lamang sa mga biktima ang dinala sa ospital at lahat ay naiulat na buhay maliban sa isang anim na taong gulang na bata na nasabugan matapos samahan ang kanyang ama sa pagbili ng mga paputok sa bayan ng Bocaue.

Sinabi ni provincial administrator Jim Valerio kahapon na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga naputukan sa loob ng magkakasunod na taon.

“Noong December 2009 hanggang January 2010, 224 ang bilang ng biktima ng paputok. At noong December 2010 hanggang January 2011 ay bumaba sa 145 o 35 porsiyento. Mula December 28, 2011 hanggang ngayon ay muling bumaba sa 30 porsiyento,” ani Valerio.

Batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), 37 tao ang nasugatan dahil sa Piccolo, isang maliit na paputok na ipinagbabawal dahil sa paglaganap ng paggamit nito sa mga bata at kabataan.

Ilan sa mga paputok na nagdulot din ng pinsala ay ang Whistle Bomb, Pla Pla, Whistle Bomb, Five Star, Lusis, at Fountain.

Kabilang sa mga nabiktima si Ronnie De Pablo ng Barangay San Jose, Plaridel na isinugod sa Bulacan Medical Center matapos sumabog ang Piccolo sa kanyang kanang kamay.

Ayon kay De Pablo, hindi niya inaasahan na ang paputok na kasingliit ng Piccolo ay makapagdudulot ng pinsala.

“Bumaba ngayong taon ang bilang ng mga kaso dahil sa pinalakas na kampanya ng pamahalaang panlalawigan. Pinayuhan din namin ang mga munisipyo na hikayatin ang mga tao na huwag nang gumamit o bumili ng paputok,” ani Raul Agustin, senior operations officer ng PDRRMC.

Kaugnay nito, sinabi ni Bulacan police director Senior Supt. Fernando Mendez Jr. na ang pagsalubong sa Bagong Taon ng mga Bulakenyo ay maituturing na mapayapa sa pangkabuoan. Walang pulis na naiulat na nagpaputok ng baril. (WLB/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines