Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 15 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Tuesday, January 03, 2012

Tagalog News: RDC 3 inaprubahan na ang konstruksyon ng Balog-Balog dam sa Tarlac

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 4 (PIA) -- Inaprubahan kamakailan ng Regional Development Council (RDC) ng Gitnang Luzon ang konstruksyon ng P16.09 bilyong Balog-Balog Multipurpose (BBM) dam sa bayan ng San Jose sa Tarlac.

Sinabi ng RDC 3 na ang rock-fill dam, na bahagi ng second phase ng BBM project na ipinatutupad ng National Irrigation Administration (NIA), ay may sukat na 113.5 metro mula sa riverbed hanggang sa crest at may water storage capacity na 625 milyong metro kubiko.

Ang pasilidad ay inaasahang makapagbibigay ng serbisyong patubig sa kabuuang 34,410 ektaryang bukirin sa buong lalawigan. Maliban dito, nakatakda ring gamitin ang ilang bahagi nito para sa produksyon ng tilapia.

Oras na maitayo at maging fully operational sa taong 2016, inilahad ng RDC 3 na ang BBM dam ay inaasahang makakalikha ng hindi bababa sa 116.7 libong metro toneladang bigas kada taon na may kabuuang halaga na $34.72 milyon at 93.55 libong metro toneladang tilapia kada taon na may kabuuang halaga na P506 milyon.

Bukod sa patubig at palaisdaan, gagamitin din ang dam bilang hydro-electric power plant na may kabuuang kapasidad na 43.5 megawatts na kayang suplayan ang power requirements ng lungsod ng Tarlac o apat na bayan na may kabuuang populasyon na 250,000.

Ang RDC 3 ang pinakamataas na policy-making body sa Gitnang Luzon na nagsisilbing counterpart ng NEDA Board sa subnational level.

Kabilang sa mga miyembro nito ang lahat ng gubernador, city mayors, municipal mayors ng mga kabiserang bayan, pangulo ng mga municipal mayors league, regional directors ng mga national government agencies, at mga kinatawan ng pribadong sektor. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines