Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, January 05, 2012

Tagalog News: Lampas 2,000 residente sa Gitnang Luzon nakatanggap ng starter kits noong nakaraang taon

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 6 (PIA) -- May P6.38 milyong halaga ng Kabuhayan Starter Kits ang naipamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa may kabuuang 2,058 residente ng Gitnang Luzon noong nakaraang taon.

Ayon kay DOLE regional information officer Jerry Borja, Nueva Ecija ang may pinakamaraming benepisyaryo noong 2011 na umabot sa 545 kasunod ang Bulacan na may 533, Bataan - 324, Zambales 266, Pampanga - 185, Aurora - 105, at Tarlac - 100.

Paliwanag ni Borja, naglalaman ang mga kits ng mga kagamitan na nagbibigay daan upang magkaroon ng mga roving businesses ang mga benepisyaryo gaya ng pagmamasahe, pagtutubero, cosmetology, appliance repair, upholstery, rag making, embutido making, hair dressing, at manicure/pedicure.

Bukod sa pagbibigay ng mga kits, isinasailalim din sila sa entrepreneurship at business management training at orientation patungkol sa mga programa at serbisyo ng Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa isang pahayag, sinabi ni DOLE regional director Leopoldo De Jesus na hindi natatapos ang mandato ng DOLE sa pagbibigay ng mga job opportunities, bagkus obligasyon din nilang bigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino na pumasok sa larangan ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng kanilang mga integrated livelihood programs upang mapabuti ang kanilang pamumuhay. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines