Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 15 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

Tagalog News: Mga rebelde maaari ding mangalaga sa kalikasan

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 6 (PIA) –- Kinondena ng isang environmentalist dito ang panawagan ng Communist Party of the Philippines (CPP) na atakihin ang mga kumpanyang sumisira sa kalikasan, at sinabing may ibang paraan upang sila ay makatulong.

Hindi sinang-ayunan ni Martin Francisco, pinuno ng Sagip Sierra Madre Environmental Society (SSMES), ang umano’y “marahas na pamamaraan” ng CPP upang salungatin ang mga naninira sa kalikasan. Ngunit pinapurihan naman niya ang grupo sa pagkampi sa mga katutubo at mahihirap.

Ito ay bilang pagsagot sa 13-pahinang pahayag ng CPP kaugnay ng ika-43 anibersaryo nito kamakailan kung saan inutusan ng grupo ang mga militanteng hukbo nito na “arestuhin” ang mga may-ari ng lupa na sumasalungat sa reporma.

“Dapat nating buwagin ang mga samahan na lumalabag sa batas ng pamahalaan, sumisira sa kalikasan at produksyon ng agrikultura, inaabuso ang likas yaman at pumipigil sa reporma sa lupa at industriyalisasyon ng bansa,” anang CPP.

Subalit, sinabi ni Francisco na nadadamay ang mga grupong pangkalikasan at inosenteng tagasuporta sa labanan ng militar at rebelde dahil napagkakamalan silang maka-kalikasan na mga rebelde o may kaugnayan sa mga militanteng grupo.

Ng tanungin kung ano ang magagawa ng mga rebelde at ng mga mamamayan upang makatulong sa kalikasan, sinabi ni Francisco na dapat mag-organisa sila ng aktibong grupo at pag-aralan ang mga batas na kontra sa pangangalaga ng likas yaman.

“Patatagin ang hanay ng mga maliliit na tao... Mag-aral nang mabuti sa tunay na kahulugan ng ekolohiya," ani Francisco. (WLB/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines