Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 06, 2012

Tagalog News: Pinsalang dulot ng paputok, ligaw na bala tumaas sa 1,004; apat patay -- DOH

ni Jojo S. Libranda

BALER, Aurora, Enero 6 (PIA) -- Iniulat ng Department of Health (DOH) na ang bilang ng mga pinsalang may kaugnayan sa paputok at ligaw na bala ay umabot na sa 1,000 na may apat na patay kahapon, Huwebes, na itinuturing sa pagsalubong ng 2012 bilang ‘deadliest year.’

Sa pinakabagong APIR (Aksyon: Paputok Injury Reduction) Surveillance Update ng DOH, sinabi ni Health Assistant Secretary Eric Tayag na sa 1,004 pinsala, 970 ay dahil sa pagsabog ng paputok, 29 ay sa ligaw na bala, at lima sa pagkalunok sa paputok.

Sa apat na naitalang namatay, tatlo ay kaugnay sa paputok habang ang isa ay dahil sa ligaw na bala.

"To date, this year is the deadliest of all the years that the DOH has monitored injuries every year. In 2009, there were two deaths reported from firecracker injuries. This year, there were three. We did not expect deaths from firecrackers, rather just amputations, blast burns. Death is really, really very serious (Sa kasalukuyan, sa taong ito tayo may pinakamataas na bilang ng pagkamatay dulot ng pinsala ng paputok. Noong 2009, may dalawang naiulat na pagkamatay mula sa pinsala ng paputok. Sa taong ito, may tatlo. Hindi natin inaasahan ang pagkamatay mula sa mga paputok, sa halip ay mga pagkaputol lamang, pagkasunog sa pagsabog. Talagang napaka-malubha ang pagkamatay," wika ni Dr. Tayag.

Nauna rito, sinabi ni Tayag na inirerekomenda ng DOH sa Philippine National Police (PNP) ang pagbabawal ng pangunahing nakapipinsalang paputok, kasama ang kuwitis, fountain, five-star, at lusis. Ang mga ito ay karagdagan na sa mga ipinagbabawal na mga paputok tulad ng watusi, ang homemade ‘boga,’ at Piccolo. (WLB/JSL PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines