Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 22 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Saturday, January 07, 2012

Tagalog news: Mga ilegal na kahoy, nasabat sa Bulacan

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 7 (PIA) –- Nakumpiska ng pinagsamang pwersa ng hukbong sandatahan at mga grupong pangkalikasan ang 103 iba’t-ibang putol na puno na nagkakahalaga ng P130,000 sa isang operasyon sa bulubunduking bayan ng Norzagaray nitong Martes.

Nasabat ang mga putol na puno sa watershed area ng Angat at Ipo ng mga operatiba mula sa National Power Corporation-Angat Watershed Area Team (NPC-AWAT), Department of Environment and Natural Resources (DENR), 56th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army, at Sagip Sierra Madre Environmental Society, Inc. (SSMESI).

“Nakatanggap kami ng ulat na may mga nakitang illegal logger sa mga nasabing lugar. Umaksyon kami agad at nagsagawa ng mga imbestigasyon sa tulong ng DENR, 56th IB sa pangunguna ni Col. Hilario Lagnada at ng Sagip Sierra Madre Environmental Society Inc,” ani Gob. Wilhelmino Alvarado.

Ayon kay Martin Francisco, pinuno ng SSMESI, nakipag-ugnayan ang grupo sa mga opisyal ng barangay mula Sito Binibit hanggang Sitio Malataeng Kalsada sa Brgy. San Mateo, Norzagaray dahil may mga natagpuang kahoy sa mismong bahay ng mga residente.

“Sa Sitio Binibit, mayroong halos 1,080 board feet na tablon ang nakuha samantalang sa Malataeng Kalsada naman ay 800 board feet, at sa labas ng Ipo gate ay halos 700 board feet, na may kabuuang 2,580 board feet. Kung susumahin sa halagang P50 ay magreresulta ng halagang P129,000 lahat,” ani Francisco.

Aniya pa, isang Fernando B. Acosta ang nahuli sa aktong may hawak na chainsaw. Aabangan ng SSMESI kung sasampahan ng kaso ang akusado, dagdag ni Francisco.

Iniulat naman ni Rustico De Belen, pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources, na nasa pag-iingat na ng NPC-AWAT ang 41 piraso ng nakumpiskang kahoy habang dinala naman ng DENR ang 36 na piraso sa 707 Central Wood sa Tabang, Guiguinto upang itago.

Idinagdag ni Alvarado na dapat nang matigil ang mga ilegal na operasyon sa mga watershed upang mapangalagaan ang kabundukan sa silangang bahagi ng Bulacan.

“Patuloy nating paiigtingin ang operasyon kontra ilegal na pagtotroso at iba pang gawaing labag sa batas na pumipinsala sa kalikasan,” ani Alvarado. (WLB/VFC/PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines