Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 11 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Sunday, January 08, 2012

Tagalog News: Antas ng krimen sa Gitnang Luzon bumaba sa 2011

ni Jojo S. Libranda

BALER, Aurora, Enero 8 (PIA) -- Patuloy na bumababa ang krimen sa Gitnang Luzon dahil sa pinaigting na kampanya laban sa masasamang elemento.

Sinabi ni Chief Superintendent Edgardo Ladao, police regional director, na maiuugnay ang mga nasabing tagumpay sa magkasamang pagsisikap ng rehiyonal, panlalawigan, panlungsod at pambayang tauhan ng pulisya at ang pakikipagtulungan ng publiko.

Binanggit ni Ladao na ang mababang insidente ng krimen sa rehiyon ay bumaba mula Mayo hanggang Oktubre 2011 ng 30 porsiyento kumpara sa katulad na panahon noong 2010.

Kasama aniya sa mga insidente ng krimen na ito ay panloloob, pagnanakaw, carjacking at pamamaril.

Sinabi rin niya na nagsagawa ang Police Regional Office 3 (PRO3) ng 37 police operations sa parehong panahon na nagresulta sa paghadlang ng hindi bababa sa 17 motorcycle-riding suspects.

Sinabi niya na sa katulad na operasyon, nabawi ang higit sa 20 iba’t-ibang sandata sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon.

Sa serye ng operasyon ng dragnet at pagtatatag ng checkpoints sa mga mahahalagang lugar, sinabi ni Ladao na nakasamsam ang PRO3 na mahigit sa 7,000 motorsiklo na hindi nakarehistro at hindi naka-dokumento noong 2011.

Gayundin, sinabi niyang nakapagtala ang PRO 3 ng higit sa 25,000 issuance ng citation tickets na may kinalaman sa mga patakaran at regulasyon ng trapiko.

Upang magpatuloy ang mababang rate ng krimen, ipinag-utos ni Ladao sa lahat ng panlalawigang pulisya, panglungsod at municipal station commanders sa rehiyon na paigtingin ang kampanya laban sa masasamang elemento, lalo na sa mga motorcycle riding in tandem suspects na kasangkot sa krimen sa kalye.

Hinimok niya ang mga opisyal na pulis na magpanibago ng kanilang pagbabantay sa pagpigil ng krimen at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kani-kanilang nasasakupan. (WLB/JSL PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines