Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 8 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Sunday, January 08, 2012

Tagalog News: Pagpapalawak ng panlalawigang programang pampalakasan, isinusulong sa Nueva Ecija

ni Lyndon Plantilla

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 8 (PIA) -- Pinag-aaralan ng mga opisyal ng Nueva Ecija kung paano makapaghuhubog ng mga bagong manlalaro sa larangan ng isports tulad volleyball, swimming at iba pang sporting event bukod pa sa basketball.

Ibihayag ni Board Member Anthony Umali (kilala din sa palayaw na Doc Anthony) ang hakbangin bago pa magbukas ang quarter finals ng Nueva Ecija Collegiate Basketball League (NECBL) nitong Huwebes.

Isang collegiate basketball tournament tulad ng NCAA at UAAP, ang NECBL ay suportado ng pamahalaang panlalawigan.

Hinikayat ni Doc Anthony ang mga pamantasan at sports event organizers na ipagpatuloy ang ugnayan sa pamahalaang panlalawigan para mapalaganap ang iba pang sports at matulungan ang mga batang atletang Novo Ecijano na makakita ng entablado para mapakita ang kanilang husay at kasanayan.

"Hindi natin madidiskubre ang kagalingan sa sports ng mga Novo Ecijano kung hindi natin sisimulan sa ganitong programa (pagbubukas ng mga kumpetisyon), " sabi ni Doc Anthony, "sa dami ng mga suhestyon, dadagdagan natin ng ibang sports event, badminton, track and field..."

Kasama din sa mga suhestiyon na isama sa programa ay ang Taekwondo at ang Boxing. (WLB/LDRP PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines