Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 13 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

Tagalog News: RDC3 inaprubahan ang pagsasaayos ng irigasyon sa Central Luzon

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 9 (PIA) -- Inaprubahan kamakailan ng Regional Development Council (RDC) 3 ang Central Luzon component ng National Irrigation Sector Rehabilitation and Improvement Project (NISRIP) ng National Irrigation Administration (NIA).

Ayon sa RDC 3, layunin ng rehab project na tumulong maabot ang mithiin ng pambansang pamahalaan na self-sufficiency sa bigas sa pamamagitan ng pagpapanumbalik sa orihinal na gamit at kapasidad ng mga National Irrigation Systems (NIS) at pagpapalakas ng kakayahan ng iba’t ibang institusyon upang maging epektibo ang Irrigation Management Transfer (IMT).

Binubuo ang P4.30 bilyong proyekto ng dalawang pangunahing sangkap: a) Ang Hard o Engineering kung saan kukumpunihin ang mga pasilidad at b) Soft o Non-Engineering kung saan palalakasin ang kakayahan ng NIA at mga Irrigators Association upang maging mabisa ang IMT at agricultural support.

Ito ay sumasaklaw sa 32 NIS sa buong kapuluan na may kabuuang service area na 86,840 ektarya.

Ang Central Luzon component ng NISRIP ay ang Porac-Gumain Irrigation System na nasira dahil sa lahar. Ito ay may service area na 3,126 ektarya at project development cost na P359 milyon o P115,000 kada ektarya. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines