PIA Press Release Monday, January 09, 2012Tagalog News: DOLE 3 nakamit ang 100% disposition rate sa SENA cases noong 2011ni Carlo Lorenzo J. DatuLUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 9 (PIA) -- Nakamit ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office 3 ang 100 porsyentong disposition rate sa 941 labor-related cases na isinampa sa ilalim ng Single Entry Approach (SENA) noong nakaraang taon. Ayon kay DOLE regional information officer Jerry Borja, 654 o 81 porsyento ng mga isinampang kaso ay mapayapang naresolba na nagbigay daan upang makuha ng may 1,512 manggagawa sa Gitnang Luzon ang kanilang mga monetary claims na umabot sa lampas P15 milyon. Paliwanag ni Borja, ang SENA ay isa sa mga sagot ng DOLE sa direktiba ni Pangulong Benigno Aquino III na pagreporma sa labor arbitration and adjudication system. Sa ilalim nito, kailangang resolbahin ng mga SENA desk officers ang mga kasong isinangguni sa kanila sa loob ng 30 araw upang maiwasan itong maging ganap na lawsuit. Sa pitong lalawigan sa Gitnang Luzon, ang Tarlac SENA desk ang nakapagtala ng pinakamataas na settlement record na umabot ng P536,565 para sa isang lalakeng empleyado ng isang kilalang publishing and distribution company. (WLB/CLJD-PIA 3) |