Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 12 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 09, 2012

Tagalog News: DOLE inilunsad ang 2nd wave ng Skills Registry System nito sa Gitnang Luzon

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 10 (PIA) -- Inilunsad kamakailan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang second wave ng Skills Registry System (SRS) nito sa Gitnang Luzon.

Ayon kay DOLE regional information officer Jerry Borja, ang ikalawang bugso ng implementasyon ng naturang proyekto ay sumasaklaw sa mga bayan ng Bocaue at Marilao sa Bulacan, Limay, at Mariveles sa Bataan at mga lungsod ng Angeles, Tarlac, at Olongapo.

Paliwanag ni Borja, ang SRS ay isang national database registry system na naglalayong i-link ang active labor supply ng bansa sa kasalukuyang manpower demands dito at sa ibayong dagat.

Ang sistema aniya ay naglalaman ng impormasyon patungkol sa kwalipikasyon at kakayahan ng mga nakarehistro.

Nakahook ito sa database ng mga lokal at banyagang kumpanya at maging sa iba pang ahensya ng pamahalaan tulad Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Foreign Affairs (DFA), at National Bureau of Investigation (NBI) upang mapabilis ang job hunting at processing at mabawasan ang gastusin ng mga aplikante.

Nauna nang nagsilbing mga pilot areas ng SRS sa rehiyon ang mga lungsod ng Malolos at San Fernando.

Sinabi pa ni Borja na sa tulong ng SRS, magiging madali ang access ng mga jobseekers sa mga employment opportunities dito at sa ibayong dagat kahit ano pa ang kanilang natapos sa pag-aaral.

Ang proyekto ang solusyon ng DOLE sa pagtugon sa jobs mismatch na isa sa mga priority concerns ni Pangulong Benigno Aquino III sa ilalim ng kanyang 22 point labor and employment agenda. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines