Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: NECBL, mananatili sa Araullo gym

ni Camille Nagano

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 10 (PIA) -- Tiniyak ng mga organizers ng Nueva Ecija Collegiate Basketball League (NECBL) na hindi na magpapalipat-lipat ng venue ang liga kung kaya't masasaksihan pa rin ito ng mga fans sa Cabanatuan.

Simula noong Huwebes (Enero 5), sa Araullo University Gym sa Cabanatuan nasasaksihan ang aksyon sa NECBL.

Ang mga nagpapang-buno para sa palakasan ay ang AMA Computer College Titans, Central Luzon State University (CLSU) Green Cobras, College of Immaculate Concepcion (CIC) Kings, Good Samaritan College (GSC)Crusaders, Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST)Phoenixes, at Wesleyan University Philippines (WU-P) Knights.

Noong kainitan ng Metropolitan Basketball Association o Metroball (1998-2002), naging saksi sa matitinding bakbakan ang Araullo University Gym.

Dahil sa regional o provincial ang pagkatawan ng mga koponan sa Metroball, hindi nagpahuli ang Nueva Ecija sa pamamagitan ng pagbuo ng Nueva Ecija Patriots.

Para sa mga nagtatanong sa mga nangyari nitong Sabado sa NECBL, naghari sa Game 1 ang Phoenixes kontra Kings, 111-92; sa Game 2, pinadapa naman ng mga Green Cobras ang mga Titans sa iskor na 92 – 83, at tinambakan naman ng Knights ang mga Crusaders sa iskor na 127-103 sa Game 3.

Para sa Martes (Enero 10), maghaharap sa Game 1 ang Titans at Crusaders, ang Knights at Green Cobras sa Game 2 at Phoenixes at Kings sa Game 3.

Ang apat na mangungunang koponan sa Quarter Finals ang maglalaban-laban sa Semi-Finals ng liga.

Ang NECBL ay isang programang pampalakasan na suportado ng pamahalaang panlalawigan upang mahikayat ang mga kabataan na maging sports-oriented at mailayo sila sa mga bisyo tulad ng ilegal na droga. (WLB/CN PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines