Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Tuesday, January 10, 2012

Tagalog news: Pangako ng DSWD, mapanatili ang 6M mahihirap na bata sa paaralan sa 2012

ni Jojo S. Libranda

BALER, Aurora, Jan. 10 (PIA) -- Sa pagsisikap ng pamahalaang nasyonal na mabawasan ang kahirapan at kagutuman sa bansa, inihayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Juliano-Soliman na gagawin ng ahensiya ang lahat upang ang may anim na milyong mahihirap na bata ay manatili sa paaralan ngayong 2012.

"We will keep close to six million children in school and keep them healthy; we will provide supplementary food to at least 1,125,000 children in 45,000 daycare centers (Pananatilihin natin ang halos anim na milyong bata sa paaralan at pananatilihin nating sila ay malulusog; magbibigay tayo ng karagdagang pagkain sa hindi bababa sa 1,125,000 bata sa 45,000 daycare centers)," wika ni Soliman.

Idinagdag din ni Soliman na ang 2012 ay taon upang paigtingin ang pagsisikap sa mga reporma upang makamit ang mas mahusay, mas mabilis at mas matalinong paghahatid ng mga pangunahing serbisyong panlipunan.

Binigyang diin din ng hepe ng DSWD na ang katulad na pagsisikap ay dinisenyo upang palakasin ang kapasidad ng ahensiya upang ipatupad ang iba’t-ibang programa upang matulungan ang mga mahihirap at mapagbuti ang kalidad ng kanilang buhay.

"We will (also) provide social pension to at least 187,000 senior citizens - to mention a few of the sectors that we will reach out (Magbibigay din tayo ng social pension sa hindi bababa sa 187,000 senior citizens – ilan lamang sa mga sektor na ating aabutin),” dagdag pa niya.

Gayundin, tututok ang DSWD sa proseso ng pagbibigay kapangyarihan mula sa kakayahan ng mga lider na magulang na maging aktibong kabalikat sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, sa pagpapatuloy ng pangako ng mga community volunteers sa iba’t-ibang antas ng pagsasagawa ng desisyon, hinihimok ang mga lider-mangangalakal na pumasok sa mas malawak na merkado, at isangkot ang mga biktima ng mga sakuna sa kanilang mga pagbabagong-tatag at muling pagtatayo ng kanilang mga komunidad at buhay.

Upang makamit ang mga layuning ito, idinagdag ni Soliman na bubuo ang DSWD ng mga sistema ng pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang higit pang mapalakas ang mga programa ukol sa pamamahala.

“Our action words for 2012 are COMMUNICATE ... COORDINATE ... COLLABORATE. We will communicate regularly and make coordination as a constant element in our plans and programs so that collaboration becomes a value that we promote and actualize (Ang ating kilos salita para sa 2012 ay MAKIPAG-USAP… MAKIPAG-UGNAYAN… MAKIPAGTULUNGAN. Regular tayong makikipag-usap at makikipag-ugnayan bilang isang matibay na elemento sa ating mga plano at programa upang ang pagtutulungan ay ating maisulong at matupad ,” wika ni Soliman. (WLB/JSL PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines